Chapter 44

300 6 0
                                    

Hindi ko akalaing mali na naman ako sa pagkakataong ito. Napakasama kong kaibigan para pagbintangan si Anne Marie na betrayer when all this time she was there with me, who always supports and loves me despite my flaws and excessive mistakes in life.

"I'm really sorry, Anne. I've heard what really happened that time. I was wrong that I accused you," I cried.

"No, I understand why you acted that way. Kung ako rin siguro ang nasa kalagayan mo, magugulat ako at maiinis. Pero sandali, you heard it from who?"

"From your boyfriend..." Pinunasan ko ang luha ko. Napatingin ako sa dalawang lalaking nasa harap ko na para bang nakikiusyoso sa pinag-uusapan naming magkaibigan sa telepono.

"From my boyfriend? You mean you knew my boyfriend?"

"Yes," I replied.

"How come? Paano mo nakilala si Aaron?"

"Nagpakilala siya sa akin..." I looked at Aaron, who kept shaking his head, trying to tell me to stop mentioning him.

"Kailan?"

"Kanina."

"Kanina? Paano? Hindi siya pwedeng lumabas sa academy niya. Paano mo siya makikilala? I mean, how did you meet him?"

Napatingin ako kay Aaron na mukhang nag-iisip na ngayon ng idadahilan sa girlfriend niya kung bakit siya lumabas. Sinenyasan pa ako na huwag akong maingay.

"Huh? He's there, isn't he? He's with you now?"

Natawa ako sa naging reaksyon ni Aaron. Sorry, it's payback time. Halos ibuhos mo sa 'kin ang inis mo kanina ha, ngayon ikaw naman ang malalagot sa girlfriend mo. Ihanda mo na ang paliwanag mo!

"Saan? Nasaan ka? Nasaan kayo?"

Tumingin muna ako kay Paolo Rod para tanungin kung okay lang ba na papuntahin ko rito ang kaibigan ko. Tumango naman siya, kahit ilang beses nang umiling ang kapatid niya.

Sinabi ko kay Anne ang address kung nasaan kami bago ko ibinaba ang tawag.

"Handa akong maging moderator ng usapan ninyong tatlo," natatawang komento ni Paolo Rod. He seemed to be enjoying this.

Nagulat kami nang lumabas si Doctor Patricio mula sa office niya upang sawayin kami dahil ang ingay daw namin kaya lumipat na lang kami sa office ni Paolo Rod.

"So, Paolo Rod, kapatid mo 'to si Aaron?"

Tumango siya. "Rod na lang itawag mo sa 'kin. At yes, kapatid ko 'yan si Aaron Dominic na unfortunately boyfriend ng best friend mong si Anne Marie."

Nakakatawa kung gaano kaliit ang mundo pero hindi ko alam kung bakit parang gumaan ang loob ko nang makilala ko sila. Para bang nagkaroon pa ako ng mga kaibigan although tinatarayan ako lagi ni Aaron dahil inaaway ko raw 'yung love of his life niya. Sinisiringan ko lang siya dahil kung papipiliin si Anne sa aming dalawa, for sure ako ang pipiliin ng kaibigan ko. Nasa akin pa rin ang huling halakhak!

"Nagpagawa na ako ng meryenda. Maya-maya lang ay darating na rin 'yon," saad ni Paolo Rod este Rod na lang pala.

Nakaupo ako sa couch habang katapat si Aaron at si Rod naman ay nasa right side ko. In fairness sa office niya ang linis at ang gandang tingnan.

"So hanggang kailan ka rito sa labas?" tanong ni Rod sa kapatid niya.

"Ngayon lang, susuyuin ko lang 'yong isa tapos babalik na 'ko," paliwanag niya habang nagkakamot ng ulo.

Sa isang banda, natutuwa ako kay Aaron dahil nakikita ko kung gaano siya ka-concern sa kaibigan ko. Lalo na't lumabas pa talaga siya ng academy para lang magtanong sa kuya niya kung paano susuyuin si Anne. Napakaswerte. Sana lahat.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Napunta sa akin ang tanong ni Aaron. Napatingin pa ako kay Rod bago ko napagdesisyunang sagutin siya.

"You don't have to know," sabat ni Rod.

"Tsk. Why not?"

"Dahil hindi naman kayo close?" pangbabara ni Rod sa kaniya. Natawa ako.

Biglang bumukas ang pinto. Akala ko'y si Anne Marie na iyon. 'Yong nurse lang pala na may dalang pagkain. Inilagay niya iyon sa table bago nagpaalam na umalis. Nagpasalamat naman si Rod dito tsaka ngumiti.

Okay? Parang may something fishy sa kanilang dalawa; how does Rod gaze at that lady, or am I just drawing conclusions too soon? Anyway, kung gaano niya ko kadaling nabasa kanina para bang ganoon ko din siya kadaling nabasa ngayon. Mukhang iba ang tingin at ngiti niya sa nurse na iyon. Natawa ako.

"Baliw ka na, Miss. Tumatawa ka mag-isa," komento ni Aaron. Minsan gusto ko na siyang sapakin dahil pinag-iinitan niya pa rin ako.

Muling nagbukas ang pinto at doon ko nakita si Anne. Nagkatagpo ang mga mata namin. Sasalubungin ko na sana siya ng yakap nang bumaling ang tingin niya sa lalaking katapat ko.

I was surprised when she shouted and spanked her boyfriend repeatedly. "At anong ginagawa mo rito sa labas? Kapag niyayaya kita, palagi mong sinasabi na hindi ka pwedeng lumabas dahil pagagalitan ka. Eh bakit ka nandito, aber?" sunod-sunod na tanong ni Anne.

"Hold on, let me explain. I was just bothered by your sudden cold treatment towards me that's why I went to find my brother since he's not answering my calls."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil ngayon ko lang siya nakitang naging aggresive.

Rod and I looked at each other as we watched the faces of the two, na para bang mag-asawa kung mag-away. Aaron explained everything, but Anne seemed not to be persuaded.

"Are they always like that?" tanong ko habang patuloy ko lang pinanonood ang dalawa.

"Most of the time when they are together," he answered.

"It's not a good idea for me to bring her here, don't you think?"

"I think so."

"Should we leave this room?"

"Even better," he affirmed.

We slowly walked to the door. Hindi na namin gusto pang abalahin ang away ng dalawa at mukhang hindi rin naman nila kami nakikita dahil may sarili silang mundo. 

"Bro, where are you going? Help me explain!" Aaron shouted to his brother.

"Kaya mo na 'yan. You're old enough to be in a relationship, so handle it yourself. Don't involve me anymore," Rod replied.

"Ikaw, Sheen? Saan ka pupunta?" I stopped walking when Anne called me.

"Uuwi na?" I answered.

"Why?"

"I have nothing else to do here, and besides, Derrick has been waiting outside for a while," I added.

"Are you leaving me here?" she asked innocently.

I just shrugged. Her boyfriend was with her, and she had better make the most of the time while Aaron was out because later or tomorrow he will be back at the academy, and it will be a long time before he gets out again I guess.

"I think so," I stated.

"No, I'm done talking to this guy. We are the ones who need to talk more."

Her face became serious. I looked at Rod again and saw him nod as if he already gets what I was trying to say.

"I think we should leave this room first," Rod said before dragging his brother out of his office. "We're outside whenever you need us."

Mr. Wrong (Mr. Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon