Chapter 37

1.2K 16 0
                                    

So tama nga ang hinala ko.

Pinag-usapan nila ang tungkol sa kasal.

Hindi ako makapaniwalang magkakaroon agad ako ng asawa sa edad kong 'to.

Natapos ang klase nang hindi ko namamalayan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Wala namang kaba sa dibdib ko dahil kilala na ako ng mga magulang ni Jhunel. Hindi na mahirap para sa akin na pakitunguhan sila ngunit nandoon pa rin sa akin ang pagkailang dahil alam nila ang nangyari sa aming dalawa ng anak nila.

Hindi ko alam kung masasanay ba ako dahil kung noon nakikita kong maging asawa si Jhunel, ngayon ay hanggang kaibigan na lang ang tingin ko sa kaniya.

Naglalakad kaming dalawa at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hindi ako nagsasalita dahil una sa lahat ay wala akong masabi, pangalawa, I'm still full of thoughts. Napansin ko naman ang ilang mga estudyanteng nakatingin sa amin. Kahit kailan talaga hindi ako tatantanan ng mga mapanuri nilang mata. Kahit anong gawin ko, hindi na sila talaga titigil.

"So totoo ngang ikakasal na sila?"

"May nagsabing mag-ex daw 'yang mga 'yan. So nagkabalikan na sila?"

"Palagi silang magkasama, eh. Nakita ko rin sila kagabi."

"Narinig ko ring tinawag ni guy si girl as wife."

"Kung ikakasal sila, mas lalong lalakas ang alliance ng Carpio and Mercado. Mukhang sila na ang magta-top sa pinakamalaki at mayamang kompanya sa bansa."

"Sinabi mo pa, malalaking kompanya na mas lalong lalaki pa."

"Bagay sila."

Napabuntong-hininga ako.
Wala talaga akong kawala sa kanila.

It was almost 6 p.m. when we got home. Jhunel's family is also waiting there. I didn't expect them to be ahead of our arrival.

Nakangiti akong sinalubong ng mama ni Jhunel. Niyakap niya ako.

"My future daughter-in-law," she said as she kissed me on the cheeks.

I just nodded and smiled. I remember how she treated me before. She hated her son's relationship with me, which is why I felt awkward when she changed this way.

Hindi naman sa labag sa loob kong ngumiti pero wala talaga sa puso ko ang makasama sila sa hapagkainan lalo na sa iisang bubong.
Naba-bother ako. Mayroon sa puso ko na gustong umapela.

"Mabuti naman at dumating na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay," sambit naman ng ama ni Jhunel.

Lumingon ako kay dad at mukhang pinauupo niya na kaming dalawa ni Jhunel. Hindi na kami nakapagpalit pa ng uniform dahil hinanda na ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa.

Tumabi sa kaliwa ko si mom. Katabi niya si dad na katabi naman ng tatay ni Jhunel.

Magkatapat kami ni Jhunel.
Hindi mawala ang ngiti niya.

Muli akong napabuntong-hininga.
Sana hindi niya na lang ako tinulungan para hindi ako nakakaramdam ng pagkaguilty dahil ayoko ng kasal na inaasahan niya.

"Just like what we talked about last time in Europe, our businesses merge when our children get married," dad opened the conversation while he was cutting his steak.

"Some investors are eyeing our companies. Your plan to build an arena that will become the biggest in Asia is such a brilliant idea. You know, these past few months, a lot of concerts and plays have been held here in our country, and the majority of the people are looking for a broader venue," Jhunel's dad said.

"I know, but we still need investors to finally finish the project within a year or two. We need someone like Mr. Sy. If our company merges, investors will surely be interested in the plan, and the percentage of Mr. Sy becoming our ally will be high also. And when he becomes our highest investor, who else will not join our project?"

Mr. Wrong (Mr. Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon