------------------------------------------------------
A Night with A Frontman
Chapter 34: Gossip and Relationship
Song for this chapter: Let Me Let You Go
By: ilovemitchietores
-------------------------------------------------------
Clock Strike's Apartment
Bagong gising.
Napakamot sa tiyan si Regie habang naglaalakad.
Kakabangon niya lang mula don sa sofa na hinigaan niya.
Si Tristan nagtitimpla ng kape habang si Yuta naman nagluluto ng itlog pampalaman sa pandesal na binili niya kanina sa bakery.
Naupo si Regie at kumuha ng isang pirasong pandesal.
Ang unang ginagawa niya magscroll sa social media para tignan ang kung anu-anong pakulo ng mga netizens ngayon.
Napansin agad ni Regie ang sabog na notifications niya sa Facebook.
Maraming nagtag ng video sa kanya nung gig nila kagabi.
Naggig ang Clock Strikes sa North Richmond University (NRU) . Kasali ang banda nila sa nakalineup na performers para sa closing program nito.
Sa dami ng nangyare isang bagay lang ang tumatak halos sa isipan ng grupo.
Sa tagal ng panahon sa wakas nagkausap at nagkaayos na ulit sila Taka at Kris. Kagabi mismo nangyare yung pinakahihintay na araw ni Taka na makita ulit ang babaeng nagbago sa buhay niya.
Napansin ni Regie na wala pa ang isang kagrupo nila na dapat andito nagkwekwento ng nangyare kagabi.
Ang naabutan na lang kasi ng grupo kagabi yung yakapan ng dalawa na nagsasabing tuluyan na nga silang nagkabalikan.
Nilapag na ni Yuta sa lamesa ang mangkok na may lamang scrabble eggs na niluto niya.
"Nasaan si Takahiro?" Tanong ni Regie."..."
"Tulog pa din ba? Takte baka nananaginip pa yun. Gisingin na natin tanghali na—" tumayo agad si Regie para gisingin sana si Taka ng madinig nito na magsalita si Tristan.
"Maagang umalis."
"Ha?"
"Kanina pa umalis yun bago sumikat ang araw." Dagdag ni Yuta.
"Saan nagpunta yun ng ganon kaaga?"
BINABASA MO ANG
A Night with The Frontman
RomanceI promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one night stand with Clock Strikes' front man. A Night with The Frontman | One Ok Rock FanFic by ilovemitchietorres