"Reality is wrong. Dreams are for real." - Tupac Shakur
A Night with The Frontman
Written by: ilovemitchietorresSong for this chapter:
Clock Strikes by ONE OK ROCK
20 years old by ONE OK ROCK
Living Dolls by ONE OK ROCK
Convincing by ONE OK ROCKREGIE
Sumenyas si Kris na magcompress kami para sakto don sa frame ng camera niya kaya umusad ako ng konti. Sunod-sunod na tunog ng click ng camera ang nadinig ko na nagsasabing kinuhanan na kami ni Kris ng picture.
"Next please..."
Inakbayan ko yung kasama namin ngayon sa group picture.
Nadinig ko ulit yung click na sound sa camera ni Kris.
"Palit naman tayo ng pwesto pre." Sabi ko kay Taka siya kasi parati ang nasa gitna.
Imbis na umalis sa pwesto niya umusad lang siya ng konti sa gilid.
Pambihira talaga tong taong to kahit kailan.
"Okay ready. One, two, three..."
Click.
Click.
Click.
"Salamat." Nakipag-apir ako don sa babaeng kasama namin sa group picture kanina.
Natutuwa talaga ako kapag may bago akong nakikilala.
Gusto ko ng may taong kausap. Pakiramdam ko kasi kapag may bago akong nakikilalang tao mas natutunan kong makiayon at makisama sa iba.
"Hello po." Bati nung babae na pumalit don sa pwesto kanina nung kasama namin.
"Hello Regie nga pala." Pakilala ko agad.
"Jasmine." Nakipaghandshake ako sa kanya.
Humarap na kami sa camera para sa group picture namin.
Hindi ko na mabilang kung ilang take na ba ang nagawa namin simula kanina. Nakakangalay din pala tumayo ng ganito katagal. Nangangalay na din ang panga ko sa kakangiti. Sinulyapan ko yung mga kasama ko.
Si Yuta tahimik lang sa gilid di na bago yun.
Si Takahiro naman mukhang wala na sa mood. Kanina kasi nakikigulo siya pero ngayon mukhang palowbat na.
Hindi lang makapagreklamo.
"Next please...." sabi ni Kris matapos kami kuhanan ulit.
"Next na po." Sabi ko at sumenyas na lumapit na yung susunod.
Napasulyap ako don sa tent kung saan busy si Jessie ngayon na magtinda ng merchandise namin. Na-isip ko lang kanina yung idea na to kasi sa tingin ko mas kikita kami kapag ginawa namin to kung baka freebies kapag bumili ka ng merchanise na binebenta ng banda namin.
BINABASA MO ANG
A Night with The Frontman
RomanceI promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one night stand with Clock Strikes' front man. A Night with The Frontman | One Ok Rock FanFic by ilovemitchietorres