Chapter 10: Missed Calls

156 7 0
                                    

A Night with The Front Man

Chapter 10: Missed Calls

Song for this chapter: Head High (Acoustic Live) by One Ok Rock (from their latest album "Eye of The Storm". Isa sa mga favorite kong kanta sa album nila na to. Nakakainlove talaga si Taka gusto ko na siyang iuwi dito sa amin tbh. Sana magkaroon ulit sila ng concert dito sa Pilipinas this year and I'm looking forward to that!)

------------------------------------------------

TAKA

Ano ng gagawin ko?

Gulong-gulo na ako sa nangyayare.

Bakit humantong pa dito?

Mababaliw na ata ako kakaisip tungkol sa nangyare nung gabing iyon.

Yung babaeng kasama ko magdamang ay hindi si Chelsie. Aminado na ako don dahil sa kanya ko rin mismo nalaman na iniwan ko siya nung gabi iyon.

Kung hindi si Chelsie sino?

Ngayon maliwanag na sa akin ang lahat.

Kung dati malabo yung mukha nung babaeng kasama ko nung gabing iyon ngayon natatandaan ko na siya.

Natatandaan ko na ang lahat simula nung nakita ko siya nung isang araw malapit sa main gate ng campus kung saan ko hinatid yung project ng kapatid ni Yuta.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng napagtanto na siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap.

Siya ang babaeng matagal ko ng gustong makita ulit.

Aaminin ko pinilit kong kimutan na lang ang nangyare katulad ng dati kong ginagawa.

Pampalipas oras na baliwala na kinabukasan pero hindi ko magawa.

Hindi ko matanggap na ako yung iniwan. Naiwan akong mag-isa kinabukasan na parang walang nangyare na dati kabaliktaran.

Ako yung nangiiwan.

Tangina karma ko na ba to?

"Mou ii kagen ni yo." (Masisiraan na ako ng bait)

Gusto kong sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses.

Pakiramdam ko sasabog ang utak ko kahit anong oras simula ngayon.

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin nung gabing iyon.

Nadidinig ko ang boses niya sa isip ko.

Paulit-ulit sa ala-ala ko yung ginawa kong kagaguhan.

Paulit-ulit akong ginugulo hanggang sa humantong na gusto kong sapakin ang sarili ko sa mga salitang nabitawan ko.

Hinusgahan ko siya agad ng wala akong basihan.

***

"Miss, wala akong balak magantay dito hanggang umaga okay? Kung wala ka namang importanteng sasabihin babalik na ako may nagaantay sa akin--"

"Pakinggan mo muna ako please."

Ayan na naman yung salitang yan.

Pumikit ako saglit.

Pinakalma ang sarili.

Tumango ako.

Sige tutal andito na to.

Tinignan ko siya ulit at ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa kanya kung hindi pa siya magsasalita iiwanan ko na talaga siya dito.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon