A Night with The Frontman
Chapter 40
By ilovemitchietorresSong for this chapter :
MY FIRST STORY - Missing You
MY FIRST STORY - With You
Chapter 40
KRIS-ZEL
Deadlines. Ang dami naming tambak na gagawin from projects to take home activities. Nagsimula na naman ang busy schedule namin last week ng isa-isa ng nagbigay ng mga requirements ang professors namin para sa semester.Nakakaoverwhelemed sa sobrang dami to the point na hindi ko na alam ang uunahin dahil lahat priority na matapos agad.
Meron pa kaming quiz the next day at hindi pa ako nakakapagreview.
Hindi na rin muna ako tumatanggap ng comission dahil wala na talaga akong time para isingit pa sa schedule ng school works ko na dapat tapusin.
Namimiss ko na din magdrawing sa canvas pero hindi ko magawa dahil ang daming pending.
Kailangan ko muna magpahinga saglit.
Naisip ko agad ang isang taong natatakbuhan ko kapag kailangan ko ng kausap. Hindi na ako naghesitate kunin ang phone ko para ichat siya.
Alam ko busy din siya pero kailangan ko ng moral support.
Kailangan ko si Taka.
Kris-Zel : Busy ka?
Tanong ko sa kanya kahit na alam ko namang may ginagawa siya.
Ewan ko kung bakit pero nangingilid ang luha ko ng makita yung caller ID sa screen ng cellphone ko.
Tinawagan niya ako imbes na magreply sa chat ko.
"Moshi mosh." Nadinig ko ang boses niya sa kabilang line.
"Watashi no koto ga koishikattadesu ka?(Namiss mo ba ako?)..." tanong niya at itong Japanese words na ito naging familiar na sa akin dahil madalas niya tong sinasabi kapag inaasar ako.
Hindi ako makapagsalita.
Gusto ko lang siya madinig na magsalita.
Namiss ko tuloy ang kakulitan niya.
"Nande? May problema ba?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Ang dami kong gagawin. Hindi ko alam kung anong uunahin ko."
"Hmm... isa-isahin mo lang gawin para may matapos ka. Wag mo muna isipin yung iba basta focus ka lang sa isa." Mahinahon niyang sinabi sa kabilang line na nagpakalma agad sa akin. Merong kung anong effect ang boses ni Taka sa akin na nagpapagaan ng loob ko.
"I'll try."
Susubukan ko kahit nagooverthink na naman ako sa mga bagay-bagay.
"Gusto mo puntahan kita?"
"Hindi na. Wag na..."
"Sigurado ka?"
"Gusto ko sana makita ka—"
"Pupunta na ako."
"Wag na gabi na baka mapano ka pa sa daan. Malayo din yung sa inyo."
"Gusto mo magvideo call na lang tayo?" Suggestion niya sa akin. Gusto ko din talaga makita siya kahit online lang. Napanghihinaan ako ng loob ngayon at feeling ko wala akong progress.
Nakita ko na agad ang mukha niya sa screen.
Namiss ko siya lalo.
Hindi niya na din ako nahahatid sundo nitong nakaraan dahil napagdesisyunan naming dalawa na magfocus na muna sa mga gagawin namin. Alam kong nakakain ang oras niya sa paggawa ng kanta habang ako naman busy sa school works.
BINABASA MO ANG
A Night with The Frontman
RomanceI promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one night stand with Clock Strikes' front man. A Night with The Frontman | One Ok Rock FanFic by ilovemitchietorres