Chapter 32: I was hers

85 5 4
                                    

"It took me half my life to find you and I will use the other half holding on to you." — anon

Chapter 32

JESSIE
Papunta ako ngayon sa milktea shop para makipagkita kay Tristan. I know pwede naman sa phone pero gusto ko maging hands on lalo na't business namin tong paguusapan nagyon.

Sa totoo lang lately na lang ako nagsipag asikasuhin itong merchandise busibess namin. Nawalan talaga ako ng motivation last month dahil sa mga nangyare.

Ito ngayon unti-unti akong nagbabalik sa pagaasikaso ng nasimulan naming maliit na business.

Kailangan ko ng gumalaw dahil ilang Linggo ng matunal ang benta namin.

Hindi na kasi ako masyadong naguupdate at nagpropromote sa band page.

Nakakaguilty na kasi napapabayaan ko yung obligasyon ko.

Nakakahiya naman sa Clock Strikes baka sabihin nila wala na akong pakealam. Honestly speaking sobrang namiss ko na magubos ng oras gawin ang bagay na to.

Kailangan lang talaga na bumalik ako ulit sa track at para mangyare yun kailangan ko si Tristan.

Kahit na madalas yung mga comments niya sa mga design na pinapakita ko sa kanya hindi maganda at least honest at walang bias yung nakukuha ko.

Minsan gusto ko siyang kaltukan kasi napakastraight forward niyang tao.

Hay Tristan.

Kung bawas-bawasan mo lang sana ang pagsusungit mo for sure ikaw na talaga ang perfect guy na mahihilig ng isang babaeng katulad ko.

Naghahadali na akong maglakad.

Nagtext kasi siya na andon na daw siya sa meeting place namin.

I'm sure magsusuplado na naman yon at papagalitan ako.

Hmp ano pa bang bago?

Pagpasok ko sa loob tinignan ko agad yung pwesto sa gilid at napansin agad yung lalakeng nakatalikod na may kulay blonde na buhok. Nakasuot siya ng grey na shirt.

Kilalang-kilala ko na siya kahit nakatalikod.

Nilapitan ko na.

"Hello..." nginitian ko siya sabay upo sa katapat niyang upuan.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.

Yung itsura ng mukha niya.

Nakakatakot.

Napakaseryoso.

Shems ayan na naman yung aura niyang parang anytime sisigawan ako.

"Alam mo ba kung anong oras na?"

Napaisip ako.

"Parang 15 minutes lang.... kala naman nito."

Sumandal siya sa upuan sabay cross ng kamay niya sa dibdib niya.

Tinignan ako.

Yung seryosong mukha niya ngayon ang nakakailang tignan.

Galit ba siya?

"Oo na. Sorry na late ako." Nagsorry na ako ng matahimik na siya. Hindi siya makikipagcoopirate sa akin ng maayos kung hindi ko siya susuyuin. Sa aming dalwa siya ang moody. Kung walang magbaba ng pride sa aming dalawa walang mangyayare.

Nilahad niya yung kamay niya.

Anong meron?

Tinignan ko ulit siya.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon