Chapter 36 : I'll stay for another year (Tristan)

17 1 0
                                    

A Night with The Frontman
Written by : ilovemitchietorres
------------------------------------------------------

Chapter 36

Chapter 36

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TRISTAN

"Anak excited na akong makita ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anak excited na akong makita ka."

Chat na nareceived ko galing sa ermat ko dalawang linggo na ang nakalipas ng sabihin niya sa aking babalik siya dito sa Pilipinas para magbakasyon. Hindi ko akalain na biglaan yung paguwi niya. Nung huli kaming nagusap ng personal ang sabi ko sa kanya sa pagbalik niya dito sa Pilipinas don ko pa lang sasabihin sa kanya ang desisyon ko kung sasama ako o hindi sa sa kanya at manirahan na sa ibang bansa.

Mas pinili ko munang manatili dito sa Pilipinas ng mag-isa sa loob ng ilang taon.

Araw-araw niya akong kinukulit na makipagkita ako sa kanya simula nung sabihin niyang babalik na siya dito sa Pilipinas. Hindi ko mahindian na pagbigyan dahil ilang taon din ang nakalipas ng huli kaming magkita.

Gusto niya na kasama ako sa kaarawan niya.

Bilang anak hindi ko magawang tumanggi lalo na't alam kong malulungkot siya kapag ginawa ko yun.

"Pare ilang araw ka don?" Tanong ni Regie sa akin. Hindi niya ako nilulubayan nung isang araw pa ng sabihin ko sa kanila ang biglaan kong pagluwas ng Manila.

"Tatlong gabi lang ako don." Sagot ko.

"Halos isang linggo din yun." Sabi ni Regie na nakabuntot pa rin sa akin habang nagaayos ako ng gamit.

Mamaya na ang luwas ko papunta sa Manila.

"Mabilis lang yun." Nadinig ko ang boses ni Yuta.

"Sama na lang kami."

"May pera ka pambili ng ticket?" Tanong ko kay Regie.

Nagkatinginan lang silang dalawa ni Yuta.

"Asikasuhin niyo muna yung pinapatapos ko sa inyong mga labahin niyo. Merong tulo sa kisame tignan niyo kung saan may butas sa bubong."

Hindi na kumibo yung dalawa sa akin.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon