Chapter 25: Road Trip

74 2 2
                                    

Stay safe and healthy guys! :)
Dedicated ang chapter na to sa inyong lahat!

A NIGHT WITH THE FRONTMAN
Chapter 25

KRIS-ZEL
Madaling araw pa nung umalis kami.
Ang meet-up namin sa may kapitolyo nila Tristan. Doon na din kasi kami pipickupin nung nirentahan na van. Bale dalawang van yung gamit namin isa para sa mga gamit ng Clock Strikes at yung isa naman para sa sasakyan namin.
Kaninang madaling araw sinundo pa ako ni Taka sa boarding house kahit ang bilin ko sa kanya antayin niya na lang ako sa kapitolyo katulad ng napag-usapan.
Nagulat na lang ako kanina kasi paglabas ko ng pinto andon na siya nakatayo.
Nakasuot siya ng itim na cap.
Yung trademark niyang kulay at outfit.
All black.

"Oh, bakit ka andito?"
"Susunduin ka."
"Diba ang sabi ko sayo don na lang tayo sa kapitolyo—"
"Daijobu."
Huminto na ako sa pagsasalita. Wala naman na akong magagawa kasi andito na siya.
Napansin ko agad yung panay na hawak niya sa ilong niya na ngayon namumula.
Lumapit ako agad sa kanya at sinalat ang leeg niya.
"Okay ka lang ba?"
Tumango siya agad.
"May sinat ka."
Mainit yung leeg niya at para makasigurado ako hinawakan ko din ang noo niya.
Mainit nga siya.
"Kailan pa masama pakiramdam mo?"
"Nung isang araw pa pero okay na ako."
"Uminom ka na ba ng gamot?"
Pinakita niya yung hawak niyang bote ng tubig.
"Water therapy."
Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya.
Namumula siya.
Mas mapula siya kesa sa normal niyang kulay at halatang di maganda ang pakiramdam niya.
Naalala kong ngayon yung event at ganito pa ang lagay niya ngayon. Wala siya sa kondisyon para magperform mamaya.
"Kaya mo ba?"
Nginitian niya lang ako.
"Sinat lang to. Itutulog ko na lang to sa byahe mama para mawala."
Alam ko na kaya siya ganyan para di na ako magalala.
Pinapabayaan niya ang sarili niya.
"Jaa, ikuyo hime—"
Hinawakan ko ang kamay niya bago siya tuluyang malatalikod sa akin.
Huminto siya para tignan ako ulit.
"Wag mong pwersahin ang sarili mo."
"..."
"Maiitindihan naman siguro nila Tristan kung hindi ka makakapagperform mamaya."
Humarqp siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko katulad ng parati niyang ginagawa.
"Okay lang ako. Wag kang magalala kaya ko pa naman."
"..."
"Kapag masama na talaga ang pakiramdam ko ikaw agad ang una kong sasabihan."
"..."
"Tara na."

Andito kami ngayong dalawa sa gitnang upuan nakapwesto. Nasa likod ako ng driver at nasa kanan ko naman nakaupo si Taka. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang natutulog.  Sabi ko sa kanya magpahinga na muna siya dahil mahaba-haba pa ang byahe. Buti nga nakinig siya sa akin agad.
Nasa unahan si Tristan katabi nung driver.
Si Yuta at si Regie nasa likod namin kanina nakita kong may hawak silang cellphone siguro naglalaro. At si Jessie sa likod pumwesto kasama yung mga merch. Meron kasi siyang inaasikaso sa mga paninda namin.

Sinulyapan ko ang katabi kong mahimbing ang tulog.
Nakasuot siya ng itim na mask at halos natatabunan ng buhok niya ang mga mata niya kaya halos hindi ko makita ang mukha niya ngayon. Base sa nararamdaman kong paghinga niya alam kong mahimbing siyang natutulog ngayon at kahit papaano makakapagpahinga pa dahil sabi nung driver 3 oras pa ang byahe namin kung hindi kami aabutan ng traffic sa daan.

Pumikit ako at sinandal ang kaliwang pisngi ko sa ulo ni Taka na nakasandal naman sa balikat ko. Sana bumuti na ang pakiramdam niya kahit papaano.



JESSIE

"Jess okay ka lang ba dyan?"
"Shhh wag kang magulo nagcoconcentrate ako."
"Ano bang ginagawa mo?"
"Nagiinventory."
"Ha?"
"Para kasing kulang tong merch niyo."
"Ha? Eh nilagay lang naman namin dito yung andon sa apartment."
Kanina ko pa binibilang tong mga nakaplastic at di pa rin nagtatally yung nakalista dito sa akin. Meron talagang naiwan na merch don sa apattment nila.
"Kulang nga e tignan mo."
"Patingin nga ako." Umalis si Regie sa inuupuan niya para maupo sa likod kasama ko at nung mga panindan naming merchandise nila.
Kakina ko pa tinitignan tong mga nakaplastic pero kahit anong gawin ko wala pa din e. Sumasakit na ulo ko kakabilang sa di naman magtugmang bilang ng nasa listahan ko.
Si Tristan ang may kasalanan nito!
Kakainis!
Sinabi ko pa naman sa kanya kagabi na bilanging mabuti bago nila ikarga dito sa sasakyan.
Paano na tuloy to kulang na yung stock namin sa event?
Paano na lang yung mga merch na naiwan nila sa apartment sayang naman yun.
Pinasobrahan ko talaga ng ilang piraso to just in case lang na maubos agad sa event. Mas mabuti ng may back-up kaming merch kesa naman sa wala diba? Pero dahil nga sa kapabayaan nitong si Tristan wala ring silbe yung ginawa ko.
Jusko naman hindi niya ba naiisip na bawat shirt na maibebenta namin dagdag yun sa ipon ko pambili ng VIP ticket ng Day6.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong magwala.
Gusto kong awayin ngayon si Tristan!
Sinamaan ko siya ng tingin.
Bwisit tong lalakeng to kahit kailan napakaKJ.
Pasalamat ka at nasa unahan ka dahil kung hindi at maabot kita mula dito sa pwesto ko kanina pa kita nahampas sa inis ko sayo.
"ARAY KO!" Sigaw ni Regie na nakahawak sa braso niya ngayon.
"Sorry!!" Di ko namalayan na ang napanggigilan ko na pala si Regie.
"Sorry..." hinawakan ko ang braso niya para masahiin ng mapansin kong lumingon si Tristan mula don sa kinauupuan niya.
Tinignan niya kami ni Regie na nakapwesto ngayon sa likod.
Sumenyas siya na wag maingay.
Napansin kong halos lahat pala tulog na.
Sila Taka at Kris magkasandal ng ulo ngayon at mukhang mahimbing na ang pagtulog.
Si Yuta naman nakayuko na kanina lang naglalaro silang dalawa ni Regie.
"Ilan ba andito?" Tanong ni Regie sa akin.
"Teka binilang mo ba lahat ng to?"
Tumango ako.
"Seryoso?"
"Oo nga kulang nga ng 300 pieces."
Napahawak na lang siya sa bibig niya habang nakatingin sa akin.
Ako na talaga ang matyagang nagbilang sige.
"Akin na nga lang listahan ko."
"Grabe Jess ang tyaga mo pre."
Napairap na lang ako sa tawag niya sa akin.
Pre?
Hindi kami magpare noh duh.
"Tanong ko na lang si Tristan mamaya kung may naiwan ba kami sa apartment—"
Napapikit na lang ako.
Exhale.
Inhale.
Okay, kalma self.
"Diba nga kakasabi ko lang na kulang na nga ng 300 pieces malamang may naiwan nga kayo don sa apartment niyo."
"SHHHHHH!!!" merong boses na sumita sa akin sa pagsasalita ko.
Sinamaan ko ng tingin ulit yung lalakeng nakaupo don katabi nung driver.
Kasalanan mo talaga to Tristan!
Kapag tayo talaga kinulang ng stock ikaw talaga ang sisisihin ko dito at wala ng iba. Ikaw pa naman ang pingkatiwalaan ko sa merchandise niyo dahil alam kong responsible ka tapos ganito pala ang mangyayare.
Nakakadisappoint.
Sobra.
Kapag di ko talaga nakita ng malapitan si Jae hindi talaga kita mapapatawad TRISTAN LUSTRE TANDAAN MO YAN!



A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon