Chapter 15: Let Me

126 6 0
                                    

"If you have a heartbeat, there's still time for your dreams." - Sean Stephenson

A Night with The Front Man

Chapter 15

written by: ilovemitchietorres

NOTE: Hey guys, panuorin niyo yung video na pinost ko sa taas which is live version siya. One of my favorite song of them actually.

-------------------------------------

KRIS-ZEL

Nakangiting labi at masayang mga mata ang nakikita kong reflection ng taong nasa harapan ko ngayon.

Makailang beses kong sinuklay ang buhok ko.

Napakaganda ng gising ko dahil maaga akong natulog kagabi. Ngayon na lang ata yung huling pagkakataon na ganito kahaba at himbing ng tulog ko.

Pakiramdam ko fully recharge ako.

Ready na naman sumabak sa pagiging college student.

Magsisimula na naman ang araw ko.

Nang makuntento na ako sa itsura ko at sa ayos ng buhok ko naglagay na ako ng pabango. Lately napansin ko na gusto ko ng pabango na di gaano matapang ang amoy. Gusto ko yung amoy fruity. Ngayon naadik ako sa amoy ng green apple dahil siguro sa pagbubuntis ko kaya ganito.

Naupo ako saglit sa kama ko para pagmasdan ang mga canvas na nasa harapan ko ngayon.

Isa dito ang paborito ko sa lahat.

Yung unang portrait na ginuhit ko na mukha ni Taka.

Grey and black lang ang kulay na ginamit ko.

Nagfocus ako sa mga mata niya kaya angat na angat ito na ngayon parang buhay na nakatingin din sa akin.

Ngumiti ako.

Kapag tinititigan ko ang portrait na to gumagaan ang loob ko.

Napapasaya ako nito.

Napahawak ako sa tiyan ko.

"Good morning baby. Papasok na naman tayo ready ka na ba?" Pinagmasdan ko ang parte ng tiyan ko. Hindi pa din halata na may dinadala na akong buhay sa sinapupunan ko.

----------

"Soooooooo..... Anong nangyare kahapon?"

"Nangyare kahapon?"

Ngumiti si Jessie sa akin.

"Yes, nangyare kahapon sa inyong dalawa ni Taka. I want a detailed explanation so you better start to spill the tea. I'm waiting..."

Napabuntong hininga na lang ako.

Kinukulit ako ni Jessie tungkol don sa nangyare kahapon na kasama ko si Taka. Kapag naiisip ko yun di ko alam kung magiging thankful ba ako sa ginawa niyang pagiwan sa akin o hindi.

Di ko na din matagalan yung pangaasar niya lalo na yung ngiti niyang alam kong nageenjoy siya sa ginagawa niya sa aking torture.

"Sabihin mo na kasi ito naman masyadong malihim. Ano ka ba di ko naman ipagkakalat..."

Naglalakad kaming dalawa ni Jessie papunta sa canteen lunch break na kasi sa totoo nga late na kaming pinalabas ng prof kaya gutom na gutom na ako.

Gusto ko ng matamis.

Niyakap ni Jess ang braso ko at di pa din ako tinatantanan sa pangungulit niya.

"Siguro... May ginawa kayong something noh?" Sabay sundot sa tagiliran ko kaya ako napahiyaw.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon