Chapter 6: Positive

231 7 1
                                    



A Night with The Front Man

by: ilovemitchietorres

Chapter 6: Positive

Song for this chapter: Nobody's Home by One Ok Rock

Note: Heys guys heads up lang next year na ako makakapagupdate for this book I guess uuwi kasi kami ng probinsya next week and don kami magcecelebrate ng holidays hope you don't mind it. Advance Merry Christmas and Happy New Year! 

----------------------------------------------------

KRIS-ZEL

Hindi matatapos ang gabi ko ng hindi ko ginuguhit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakakailang pad na ako kakascetch nito pero hindi ako makuntento.

May mga nakapaskil ng drawing nito sa pader ng kwarto ko at yung ilan nakatambak kasama ng mga gamit ko.

Natutuwa lang ako na makita.

Gustong-gusto kong pagmasdan na hindi ko maexplain kung bakit.

Kinaadikan ko na ba siya?

Kinaadikan ko na ba si Taka?

Gosh, para akong obsessed fan.

Pati ako nawweirduhan na din sa sarili ko.

Ni minsan hindi naman ako ganito na naging sobrang interisado sa isang tao.

Sa mga oras na yun tinanong ko ang sarili ko kung ano nga ba ang meron sa lalakeng yun at hindi siya maalis sa isip ko.

Bakit nga ba?

Siya ang taong nakaone-night stand ko.

Taong iniwan ko kinabukasan matapos ng may mangyare sa aming dalawa.

Pilit ko ng kinakalimutan pero binabalikan pa rin ako ng ala-ala ng gabing iyon.

Lalo na ngayon na nakita ko siya ulit at prisensya niya mismo ang gumugulo sa akin.

Natatandaan niya pa kaya ako?

O katulad ko mas pinili niya ng kalimutan ako katulad ng ginawa ko?

Sa totoo lang nung nakita ko ulit si Taka nung sumadya ako sa bayan nung isang gabi naexcite ako. Natuwa ako ng malaman na nasa iisang lugar kaming dalawa.

Masaya na ako na tinitignan siya mula sa malayo.

Kontento na ako na pagmasdan at pakinggan siya habang kumakanta kasama ang mga kaibigan niya.

Ang ganda talaga ng boses niya.

Sa mga oras na yun lalo akong humanga sa talento na meron siya.

Lalo akong naging interisado na mas makilala kung sino nga ba talaga si Taka.

"O kumain ka muna."

"Sige po..."

Uupo na sana ako ng makaramdam na naman na para akong masusuka kaya dumiretso ako agad sa lababo kasabay ng paghilab ng tiyan ko.

Matutulog na talaga ako ng maaga mamaya.

Kulang na naman ako sa tulog dahil madaling araw ko natapos yung canvas na kasama nung inorder sa akin.

Umaatake na naman ang sakit kong vertigo.

Inaabuso ko na naman ang katawan ko.

Hay, ang tigas talaga ng ulo ko.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon