Chapter 39 : Oniichan

14 1 0
                                    

A Night with The Frontman
Chapter 39
By ilovemitchietorres

Song for this chapter:

MY FIRST STORY - Fukagyaku Replays

ONE OK ROCK - Thousand Miles (Cover)

Sleeping With Sirens - IRIS (Cover)

Chapter 39

Chapter 39

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TAKA

Maaga akong nagpunta sa university kung saan nagaaral ang girlfriend ko. Susunduin ko na siya ngayong araw. Sa wakas makikita ko na ulit ang mukha niya dahil kaninang umaga tinanggali na naman ako ng gising. Gusto kong makabawi sa kanya dahil ilang araw din ang nakalipas nung huli kaming magkasama.

I miss her.

Sobra.

Kung pwede nga lang parati kaming magkasama gagawin ko kaso may kanya-kanya kaming buhay at dapat gawin.

"Boss, long time no see." Bati ni kuya na tropa ko na na nagtitinda ng sigarilyo sa gilid ng main gate kung saan ako nagaabang ng sundo.

"Oo nga pre. Musta ang kita?"

"Sakto lang. Wala gaanong estudyante ngayon e."

"Pabili akong candy. Magkano ba?"

"Tatlo limang piso."

Inabot ko yung barya na nakuha ko sa bulsa ko.

"Muntik na kitang hindi makilala kanina."

"Bakit?"

"Hindi na kulay green buhok mo."

Trademark ko na ba yung green na buhok? Pansin ko lang na ito parati ang nababanggit nila kapag nakikita ako.

Dapat bang magpakulay ako ulit? Binalik ko sa dating itim na kulay para maiba naman sana kung baga bagong buhay.

"Hayaan mo pre next time blonde na ako." Pagbibiro ko dahilan para matawa siya.

"Pero bagay naman sayo boss."

Tumango na lang ako.

"Sino bang inaantay mo dyan?"

"Girlfriend ko."

"Nagaaral pa... anong course niya?"

"Fine Arts."

"Magaling magdrawing pala girlfriend mo." Nangiti ako sa papuri niya sa girlfriend ko kaya pinakita ko sa kanya yung mga painting na gawa niya na nakasave sa cellphone ko.

Pinagmamasdan ko yung mga taong lumalabas sa gate habang nakikipagkwentuhan. Nakwento niya na meron din siyang anak na nagaaral dito at ang kinukuha naman na kurso ay teacher. Saludo ako sa kasipagan niya bilang isang magulang kahit siya na lang magisa ang bumubuhay sa mga anak niya. Sa kwento niya sa akin byudo na siya at may naiwan na tatlo pang maliliit na anak.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon