"A successful life is one that is lived through understanding and pursuing one's own path, not chasing after the dreams of others." - Chin-ning chu
A Night with The Frontman
Chapter 22
by ilovemitchietorres
----------------------------------------------------------------
JESSIE
Kanina ko pa pinagmamasdan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Iba yung aura niya ngayon. Wait. Anong meron at bakit kakaiba ang aura ng bestfriend ko?
May hindi ba sa akin to nasasabi?
May tinatago kaya siya sa akin?
Hmm...
Ang fresh at glowing ng itsura ngayon ni Kris compare before. Okay, given na siguto dahil buntis siya pero iba ngayon e.
Nagtimes two yung glowing effect niya at pagkaaliwalas ng mukha niya.
Something's good is happening.
Kung ano man ito masaya ako para sa kanya dahil ngayon ko na lang siya ulit nakita na ganito kasaya.
Nakakahawa yung positive energy na nanggagaling sa kanya.
Hay, Kris kung alam mo lang.
Napakasimple lang pero ang ganda-ganda.
Hmp, swerte nitong si Smurf nakakainis.
"Oi girl."
"Oh?'
"Bakit iba ang aura mo ngayon?"
"Ha?"
"Hmm... May kakaiba e." Pinagmaadan ko ulit ng maigi ang mukha niya.
Ang ganda-ganda talaga ng bestfriend ko at sana ma-appreciate niya kapag pinupuri ko siya o ng ibang tao. Ito kasing si Kris ngumingiti lang na para bang nagjojoke ako kapag sinasabi kong maganda siya.
Nagsalubong ang kilay niya.
Nagtataka.
"Kakaiba sa akin? Bakit meron ba?"
Tumango ako.
"Ang fresh mo kaya."
"Sus, ikaw tigil-tigilan mo nga ako Jess. Nagsisimula ka na naman."
"I'm serious!"
"Seryoso din ako. Wag ka ng magulo may ginagawa ako."
Finafinalize na namin yung project na ipapasa mamayang hapon sa last subject namin.
Ilang days na lang at libre na kami!
Sem Break na!
Grabe ang tagal ko din inantay to.
Inusad ko yung upuan ko sa pwesto niya sabay tusok sa tagiliran niya kaya siya napakislot.
"Jess!"
Nangiti ako.
"Aminin mo nga sa aking bata ka. Anong ginawa ni Taka sayo kagabi?"
On cue, bigla na lang siyang namula.
Aha!
Nahuli ko din.
Pepektusan ko yung smurf na yun at nakaiscore pa ata sa bestfriend ko kagabi. Ang sabi ko ihatid lang sa tapat ng boarding house hindi yung gagawa siya ng paraan para makascore kay Kris.
BINABASA MO ANG
A Night with The Frontman
RomansI promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one night stand with Clock Strikes' front man. A Night with The Frontman | One Ok Rock FanFic by ilovemitchietorres