Chapter 35 : Fangirl Life (Jessie)

24 1 0
                                    

-------------------------------------------------------

A Night with The Frontman

Chapter 35 : Fangirl Life

By: ilovemitchietorres

Author's Note: This chapter is dedicated to all fangirls out there. Sana meron kayong mameet na right guy who will love you and understand you specially sa pagfafangirl.

-------------------------------------------------------

JESSIE

"Bessy."

"Hmm?"

"Natanong ko na pala si Taka about don kay Tristan. Ang sabi niya sa akin wala daw girlfriend." sabi ng bestfriend ko na katabi ko ngayon na nakaupo.

"Yeah, I know. Walang girlfriend si Tristan." Nag-agree ako agad sa sinabi niya sa akin. Andito kami ngayon sa milktea shop ni Kri-Zel. Maaga kaming pinalabas ng prof namin kanina. Pumunta na kami dito agad para tumambay lang saglit.

"Huh? Kanino mo naman nalaman? Diba sabi mo di sure si Regie. So kay Yuta ka nagtanong?"

Umiling ako agad.

"Si Tristan mismo nagsabi."

"Ohhh... ikaw nagtanong?"

Nginitian ko siya.

Well, may part na nakakahiya talaga na gusto ko na lang kainin ng lupa kapag naaalala ko yung nangyare nung isang araw pero mas malaki yung part na kinikilig ako.

Hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba kay Kris ang ginawa sa akin ni Tristan after ko siyang asarin.

Hanggang ngayon hindi pa din magsink in sa utak ko na hinalikan niya ako ulit.

Pangalawang beses na siyang nagnakaw ng halik sa akin!

Crush din siguro ako non.

Hindi niya naman ako hahalikan kung hindi diba?

I think may gusto sa akin ang gitarista ng Clock Strikes.

Aantayin ko lang na siya ang unang umamin sa aming dalawa.

"Nagkita kami nung isang araw inasar ko lang naman yung taong iyon. Alam mo naman diba asar talo." Di ko talaga mapigilan ang ngiti sa mukha ko habang nirerewind ang nangyare.

Bwisit ka Tristan pasalamat ka crush kita kaya napagtyatyagaan ko ang pagsusuplado mo sa akin.

Pasalamat ka rin at mahal ko ang ginagawa ko kaya willing akong magsacrifice ng oras para sa banda nila.

"Girl, may sasabihin ako sayo."

"Ano yun?"

"Feeling ko crush din ako non."

"Ni Tristan?"

"Oo."

Nakita ko siyang ngumiti.

"Alam mo bagay kayo." Sabi ni Kris sa akin.

"Talaga ba?"

Nagnod siya agad.

"What if manligaw siya sayo sasagutin mo?" tanong ni Kris sa akin.

"Syempre alam mo na ang sagot don pero syempre dapat ligawan niya ako ng bongga. Dalagang Pilipina to noh."

"So may pagasa talaga siya sayo?"

"Oo naman girl alam mo naman diba ever since crush ko na si siya yun nga lang napakasuplado kasi."

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon