Chapter 31: So this is heartache?

66 6 1
                                    

"It is both a blessing and a curse to feel everything so  very deeply." — anon

Song for this chapter:
Heartache by One Ok Rock (acoustic)
All Mine by One Ok Rock
Letting Go by One Ok Rock

Chapter 31

KRIS-ZEL
Naglalakad ako sa hall way to be exact paakyat na ako ng hagdan ng madinig kong may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako agad para tignan kung sino.

Si Jason.

"Uy..."

Lumapit siya agad sa akin.

"Pwede ba kitang maistorbo saglit?"

Maaga akong umalis sa dorm katulad ng madalas ko ng ginagwa lately. Gusto ko na libangin ang sarili ko at isa na nga don ang maagang pumasok. Minsan nauupo lang sa open space malapit sa building namin nagpapahangin o di kaya nagsstay ako sa libray para magbasa ng kung anu-anong librong mahawakan ko na makakakuha ng interest ko.

Okay naman.

Nakakalibang in a sense na nakakarelax kasi nagkakaroon ako ng time para sa sarili ko at the same time may natututunan akong bago.

Sabay kaming naglalakad ngayon.

Naghahanap ng bakanteng pwesto.

"Thank you pala ulit dito." Sabi ko sa kanya.

Dumaan kami don sa tindaban ng sandwich hindi pa daw kasi siya kumakin at heto nilibre niya ako. Treat niya daw sa akin kasi ang aga-aga nakaabala na siya. Wala namang problema sa akin yun sa totoo lang. Buti nga may nakakausap ako ngayon.

"Ayun may bakante na don!" Sigaw ko.

Nagkatinginan kami ni Jason ng marealized ko ang ginawa ko.

Napahawak ako sa bibig ko habang siya tinawanan lang ako.

Nakakahiya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil kanina pa kami naghahanap ng pwedeng maupuan.

Grabe ang dami na agad na studyante dito.

Ano bang meron at parang ang dami na agad tayo pero napaka-aga pa.

As usual madaming nakakakilala kay Jason.

Hindi ko mabilang sa daliri ng mga kamay ko ang taong tumawag sa pangalan niya bago kani nakaupo na sa bakanteng table.

Nilapag na namin yung mga gamit namin.

"Ano nga palang gusto mong pagusapan natin?" Tanong ko sa kanya sabay kagat ng sandwich na hawak-hawak ko.

"Hindi ko na tanda kung nasabi ko na to sayo dati... pero nangangailangan kasi ng staff sa SC journal department. Merong dalawang open slot ngayon dor journalist at meron ding isa sa photographer. Naisip ko agad na i-offer sayo yung open slot position kasi nakikita kong ikaw yung hinahanap namin na pwedeng pumalit para sa role na yun."

Sa totoo lang nagkaroon na din ako ng interest na magfile ang application para makasali sa department na yun. Hindi lang para makakuha ng extra cullicular activities pero para maexpose ako sa field ng journalism. Gusto kong maiapply yung mga napagaralan ko sa photography para maishare ito sa mga kaschoolmates ko. Sa tingin ko magandang training ground to para sa course ko.

Ngayon nagdadalawang-isip ako kasi ang dami naming ginagawa lalo na't one year na lang graduating na ako tapos meron pa akong sideline business ko na hindi ko pwedeng isang tabi.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.

Nangiti siya dahil siguro nabasa niya sa mukha ko ang tumatakbo ngayon sa isip ko.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon