Chapter 21: Band Merchandise

90 8 0
                                    


A Night with The Frontman

Chapter 21

by: ilovemitchietorres

Song for this chapter:

American Girls by One Ok Rock

Bedroom Warfare by One Ok Rock

-------------------------------------------

KRIS-ZEL

"Kailan alis niyo te?"

"Sa Hwebes na ng madaling araw ako luluwas."

"Ganun po ba te."

"Oo eh kung pwede nga lang sana ngayon na ako aalis kaso nga lang may kailangan pa akong asikasuhin dito."

Tinignan kami ni ate Gigi. Andito kami ngayon lahat sa may lahat yung mga boarders na naiwan dito sa bahay yung iba kasi nagsiuwi sa kanila kaya bilang lang ang tao ngayon dito sa boarding house.

Pinatawag kami ni ate Gigi dahil may sasabihin siya sa amin. Buwan-buwan naman meron kaming monthly meeting na tinatawag bukod sa pangangamusta ni ate Gigi sa amin sa araw-araw. Dito kasi pinaguusapan namin yung mga ganap tungkol sa boarding house kung meron dapat ayusin, paaalalahanan kami sa policy at kung anu-ano pa.

"Kaya ngayon tinipon ko kayo para masabi ko sa inyo ng personal. Ayaw ko naman kasing biglaan kayo na aalis ako agad-agad."

"Okay lang po yun te. Kami na pong bahala dito sa bahay."

"Mawawala lang ako ng isa hanggang dalawang Linggo siguro pero may magtitingin naman nitong bahay wag kayong mag-alala."

"Kaya naman na po namin dito te wag po kayong magalala sa amin. Malaki na po kami."

Nagngitian kaming lahat.

Napakaseryoso na kasi ng usapan at dahil sa sinabi ni Pam medyo nawala kahit papaano yung tensyon.

Tinignan siya ni ate Gigi.

"Oo alam kong malalaki na kayo mga dalaga na pero hindi ibig sabihin non papabayaan ko na kayo. Bata pa rin kayo sa paningin ko."

Sa sinabi niyang iyon may mga natawa at ngumiti. Naospital yung kamag-anak ni ate Gigi at walang magaasikaso sa mga anak nito kaya siya mapipilitang lumuwas. Si ate Gigi yung napakiusapan ng kamag-anak nila na kung pwede siya muna ang magbantay hanggang sa makakuha ng katulong sa bahay.

Kagabi naabutan ko siyang nagaayos ng mga gamit. Nasabi niya na din to sa akin kagabi bago niya pa kami kausapin ngayon kaya may idea na ako kung anong nangyare.

------------------

"Aalis si ate Gi?"

"Oo."

"Saan siya pupunta?"

"Sa Cavite."

"Hala... Ang layo naman nun."

"Oo nga eh."

"Kailan siya aalis?"

"Sa Byernes ng madaling araw."

"Hala bukas ka na pala."

"Oo."

Naglalakad kami ngayon ni Jessie sa hallway. Katatapos lang ng last subject namin at ngayon palabas na kami ng building.

"Ilan ba kailangan nating i-xerox?"

"Limang copy daw."

"Wait lang daan muna tayo don sa canteen. Nauuhaw na ako e."

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon