CHAPTER SIX

3.1K 88 5
                                    


HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)






Pagkatapos naman ng ganap nina Andrei at Gabriel ay tinawag na din sila nina Lucas upang mag almusal. Sabay na ring bumangon ang dalawa at nagtungo ng banyo upang maglinis ng kanilang mga katawan. Nang makapagbihis na ang dalawa ay dali dali na silang lumabas ng kwarto at tinungo ang dining area upang mag almusal na. Habang abala silang lahat sa kanilang pagkain ay biglang nagsalita itong si Lucas.





"Siya nga pala Andrei.. since 18 years old ka pa lang.. nag aaral ka pa ba??.." tanong ni Lucas kay Andrei.





"Opo Kuya Lucas.. pero dahil sa nangyari sa amin ni Tatay ay tumigil na rin ako sa pag aaral.." malungkot na sagot ni Andrei kay Lucas.





"Gusto mo pa bang ipagpatuloy ang iyong pag aaral, Andrei??.." tanong ulit ni Lucas kay Andrei.





"Hindi na po siguro Kuya Lucas.. at tsaka kung babalik pa po ako sa pag aaral ay hindi ko na po siguro makakayang pagsabayin pati itong pagtatrabaho ko dito sa inyo.." pangangatwiran naman ni Andrei kay Lucas.





"Sige ganito na lang.. ipagpatuloy mo ang iyong pag aaral Andrei.. kaming bahala sa mga gastusin mo sa school.. tuition, miscellaneous fees at baon mo.." sagot naman ni Lucas na ikinagulat naman ni Andrei.





"Ho?? Naku.. huwag na Kuya Lucas.. eh ano pa po ang silbi ng pagtatrabaho ko dito kung babalik ako sa pag aaral?? I mean.. mahahati na ang oras ko.. huwag na Kuya.. maninilbihan na lang po ako dito sa inyo.. sayang naman po yung gagastusin ninyo sa pagpapaaral sa akin.." agad na pagtanggi ni Andrei sa alok ni Lucas.





"Andrei.. unang una.. hindi namin kailangan ng katulong.. pinatuloy ka namin dito sa bahay dahil naaawa kami sa'yo, hindi dahil kailangan namin ng katulong.. kaya tanggapin mo na ang alok namin.. at tsaka para naman yan sa kinabukasan mo.." pamimilit naman ni Lucas kay Andrei.





"Oo nga naman Andrei.. sayang naman yang napag aralan mo kung hindi mo na ipagpapatuloy.. at isa pa.. uuwi ka rin naman ng gabi eh.. so magkakasama pa rin tayo niyan.." sagot naman ni Gabriel kay Andrei.





"At tsaka wala rin naman kami niyan kung umaga.. mabobore ka lang dito.. mas mabuti pa ngang bumalik ka sa pag aaral Andrei.. magiging proud Daddies pa kami sa'yo once na makapagtapos ka ng pag aaral.. kami ang kasama mo sa pag akyat ng stage.. at kung papalarin magkakabit pa ng medalya mo.." nakangiting sagot naman ni Daniel kay Andrei.





"Oo Andrei.. never pa kasi namin yan naranasan eh.. kasi nung time na grumaduate kami ng college.. si Kuya Lucas lang kasama naming lahat.. at since wala naman kaming mga asawa at anak.. eh di sa'yo namin ipapalasap ang pagmamahal na yon.." biglang pagsingit naman ni Jerick kay Andrei.





"Pagmamahal na may kasamang sarap.. huuyy!!.." sagot naman ni Adrian na agad namang ikinatawa ng apat niyang mga kapatid.





"Si-sigurado po ba kayo diyan mga Kuya??.." nahihiyang tanong pa ni Andrei sa kanilang lima.





"Oo Andrei.. hindi kami manghihinayang na pag-aralin ka basta ipangako mo lang sa amin na mag aaral ka nang mabuti.. ayos ba yon sa'yo??.." sagot naman ni Lucas kay Andrei.





"Mga Kuya!! Maraming salamat talaga sa inyong lahat!!.." naiiyak na pasasalamat ni Andrei sabay yakap nito sa limang lalaki na kasama nito ngayon.





"At heto pa pala Andrei.. ipangako mo rin sa amin na.. hindi ka mag-boboyfriend.. okay?? Kami lang dapat ang boyfriend mo ha??.." nakangising sambit ni Gabriel kay Andrei sabay tawa naman ng apat na lalaki.





House Full of HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon