HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)Isang oras ang lumipas... natapos din ni Andrei ang paglalaba sa mga damit ni Andrea pati na rin ang Lucas. Pagkatapos nitong isampay lahat sa sampayan ay nakahinga na din siya nang maluwag dahil tapos na din ang iniutos sa kanya ni Andrea. Pagkapasok ni Andrei sa loob ng bahay ay nagpasya siyang umidlip muna sa kanyang kwarto dahil tapos na rin naman siya sa kanyang mga gawaing bahay at wala ang kanyang mga amo maliban lang kay Andrea na nagpaiwan dahil tinatamad siyang maglakad. Di pa man lumalalim ang tulog ni Andrei nang may biglang bumuhos sa kanya ng tubig kaya naman ay inubo siya at biglang napabangon sa kanyang higaan.
"A-Ate Andrea?? Ba-bakit niyo po ako binuhusan ng tubig??.." gulat at takot na tanong ni Andrei kay Andrea.
"Nagtatanong ka pa?? Wala nang tubig sa banyo namin ni Lucas!! Mag ibig ka dun sa poso!!.." galit na utos ni Andrea kay Andrei.
"Eh meron naman pong gripo at shower sa cr ni Kuya Lucas.." sagot naman ni Andrei kay Andrea.
"Sumasagot ka pa!! Hindi umaandar ang shower at gripo dun!! Lumabas ka na diyan at mag igib dahil maliligo ako!! Bwisit ka!! Para saan pa ang pagiging boy mo kung di ka rin lang mautusan dito??.." galit pa rin na utos ni Andrea kay Andrei.
Wala namang nagawa si Andrei kundi ang kunin yung timba at lumabas ng bahay tsaka nag igib para kay Andrea. Pagkapuno naman ng timba ay agad na itong iniakyat ni Andrei papasok ng banyo nina Lucas at isinalin ito sa maliit na drum ng tubig.
"Puno na po ang drum Ate.." pagpapaalam ni Andrei nang matapos na siyang mag igib.
"Lumabas ka na!! Magluto ka na don at pagkatapos kong maligo ay magmemeryenda ako. Siguraduhin mong masarap ang iluluto mo kung hindi, ipapakain ko sa'yo ang pinaglutuan mo.." sunod na utos naman ni Andrea kay Andrei.
"Sige po.." tanging sagot na lang ni Andrei sabay labas nito sa kwarto at tinungo ang kusina upang magluto.
Di katagalan... pagkatapos naman na magluto ni Andrei ay inilagay niya agad ito sa mesa at tinakpan muna dahil hindi pa naman lumalabas ng kwarto si Andrea. Pumasok muna si Andrei ng kanyang kwarto at pinalitan ang nabasang cubre cama dahil sa ginawang pagbuhos ni Andrea kanina. Natapos lang din si Andrei sa pag aayos ng kanyang higaan nang marinig nitong sumigaw si Andrea.
"Andrei!!.." pasigaw na pagtawag ni Andrea.
Dali dali namang lumabas si Andrei ng kanyang kwarto at pinuntahan agad si Andrea upang alamin kung ano ang nangyari sa kanya.
"Bakit po Ate Andrea??.." tanong naman ni Andrei.
"Bakit malamig na itong pagkaing iniluto mo??.." galit na tanong ni Andrea.
"Kasi po nung matapos ko nang lutuin yan ay hindi pa po kayo natapos sa pagligo kaya tinakpan ko na lang po ang pagkain.." sagot naman ni Andrei.
"So kasalanan ko?? Palitan mo yan!! Leche ka!!.." galit na sagot ni Andrea sabay kuha nito sa plato at inihagis ito pero sa kasamaang palad ay tinamaan si Andrei sa ulo.
"Araaayyyy.." nasaktang pag ungol naman ni Andrei sabay hawak nito sa kanyang ulo.
Naramdaman na lang ni Andrei na may tumutulo sa kanyang ulo at nang tignan niya ang kanyang kamay ay puno ito ng dugo. Bigla namang nataranta si Andrea at kinuha niya ang medicine kit tsaka dali daling ginamot ang sugat ni Andrei sa ulo.
BINABASA MO ANG
House Full of Hunks
RomanceAng kwentong ito ay pang LGBTQIA+ or pwede na rin sa mga taong may malawak na pag-iisip. May mga eksena sa kwentong ito na hindi angkop sa mga mambabasa na 21 pababa ang edad. Kung hindi ka sanay magbasa ng mga ganitong istorya... mabuti pa at magha...