HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)Kinabukasan... maaga ulit nagising si Andrei upang magluto ng almusal para sa kanyang mga amo at maghanda na rin para sa kanyang pagpasok sa paaralan. Di katagalan... nang matapos na siyang magluto ay dali dali na siyang nagtungo ng banyo upang maligo. Nang makapagbihis ay hindi na siya nag abalang mag almusal pa dahil ayaw niyang abutan siya ni Andrea. Simula nang dumating si Andrea sa bahay ng kanyang mga amo ay si Gabriel na ang nagbibigay ng allowance kay Andrei para hindi na magkagulo pa. Habang nag aabang si Andrei ng masasakyan ay may humintong kotse sa harap niya. Napangiti naman siya dahil agad niyang nakilala kung sino ang may ari ng kotse.
"Good mor- a-anong nangyari diyan sa ulo mo Andrei?? Bakit may gauze yan??.." hindi pa natapos ang pagbati ni Steven sa kanya nang mapansin nito ang gauze sa ulo ni Andrei.
"Uhmm.. mahabang kwento eh.." tanging sagot na lang ni Andrei sa kanyang bestfriend.
Agad namang bumaba ng kanyang kotse si Steven at pinagbuksan ng pintuan si Andrei hanggang sa nakaalis na silang dalawa papunta ng kanilang university. Nang makapagpark na si Steven ay agad niyang inaya si Andrei na magbreakfast muna sa cafeteria at para na rin mapag usapan ang nangyari.
"Andrei.. be honest with me, Ano'ng nangyari diyan sa ulo mo??.." seryosong tanong ni Steven habang iniinom nito ang kanyang kape.
"Yung amo kong si Kuya Lucas, nakabuntis... tapos yung babae ay dun na nakatira sa bahay nila. Nung una akala ko ay mabait siya kasi palangiti, yun pala maldita, hanggang sa lumabas na ang kanyang totoong ugali. Kahapon... inutusan niya akong magluto ng pagkain, nang kakainin na niya ay nag reklamo siya na hindi na raw mainit. Hindi ko naman kasalanan kasi ang tagal niyang lumabas kahit na tinawag ko siya sabay sabing luto na yung pagkain niya.." pagkukwento naman ni Andrei kay Steven.
"And then?? Ano'ng nangyari??.." tanong naman ni Steven.
"Ayun, ibinato niya sa akin yung plato. Iiwas pa sana ako kaso huli na ang lahat at tumama yung plato sa ulo ko kaya dumugo.." maluha luhang sagot ni Andrei kay Steven.
"What the f*ck?? T*ng inang babaeng yon!! Ano'ng karapatan niyang saktan ka!! Andrei?? Please accept my offer, dun ka na tumira sa amin... kami na sasagot sa lahat, pagpapaaral sa'yo, allowances mo, damit, pagkain... everything.. umalis ka lang sa bahay na yon.." biglang offer ni Steven kay Andrei.
"Naku Steven, huwag na.. nakakahiya naman sa inyo.." agad na pagtanggi ni Andrei.
"Andrei.. gusto mo bang mamatay?? Lilipat ka sa bahay namin, sa ayaw at gusto mo.." seryosong sagot ni Steven.
"Uhmm... kakausapin mo muna si Kuya Gabriel tungkol diyan mamaya Steven and thank you dito Steven ha.." nakangiting pasasalamat ni Andrei.
"Sige.. pagkatapos ng klase natin ay direcho na tayo sa bahay.." sagot naman ni Steven kay Andrei.
"Huh?? Eh.. pano yung mga damit ko Steven?? Wala akong dalang damit.." nag aalalang tanong ni Andrei.
"Don't worry... magshoshopping tayo after ng klase natin. Lahat ng kailangan mo ay bibilhin natin, so don't you worry okay??.." nakangiting sagot ni Steven sabay kindat nito kay Andrei.
"Uhmm.. T-thank you Steven.. sobra sobra na 'to.." nahihiyang pasasalamat ni Andrei sa kanyang bestfriend.
"I will do anything para sa'yo Andrei, dahil bestfriend kita at mahal na mahal kita.." nakangiting sagot ni Steven sabay yakap nito kay Andrei.
BINABASA MO ANG
House Full of Hunks
RomanceAng kwentong ito ay pang LGBTQIA+ or pwede na rin sa mga taong may malawak na pag-iisip. May mga eksena sa kwentong ito na hindi angkop sa mga mambabasa na 21 pababa ang edad. Kung hindi ka sanay magbasa ng mga ganitong istorya... mabuti pa at magha...