CHAPTER EIGHTEEN

1.9K 61 3
                                    


HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)






Halos isang oras ang lumipas... pagkatapos nilang mag almusal lahat ay agad na silang nag ayos papunta sa kani kanilang pupuntahan. Pagkarating naman ni Andrei sa school ay agad siyang nagtungo sa kanilang sa harap ng building nila at doon muna naghintay sa magiging klase nila. Nalulumbay pa rin si Andrei dahil sa hindi pagpansin ni Steven sa messages nito. Habang papunta pa lang siya sa harap ng kanilang building ay nakasalubong naman nito si Steven. Napangiti naman si Andrei kaya dali dali na siyang tumakbo papalapit sa kanyang bestfriend pero agad naman siyang iniwasan ni Steven. Nang makalayo na si Steven ay hindi na napigilan ni Andrei ang sarili nitong mapaiyak. Dali dali naman siyang nagtungo ng banyo upang mailabas ang kanyang mga luha. Di katagalan... pagkatapos mag ayos ni Andrei ay agad na siyang nagtungo ng kanilang classroom pero pagkapasok nito sa kanilang classroom ay nakita nito si Steven na nakaupo sa kabilang seat at hindi sa tabi niya. Wala nang nagawa pa si Andrei kundi ang maupo na lang sa kanyang upuan kahit na hindi siya tinabihan ng kanyang bestfriend. Ilang oras ang lumipas... pagdating ng kanilang lunch break ay nauna namang umalis si Steven at iniwan nito si Andrei. Kahit masakit man kay Andrei ang pag iwas ng bestfriend nito sa kanya ay wala na rin siyang nagawa kundi ang lumayo muna. Pagkarating ni Andrei sa cafeteria ay agad siyang umorder ng kanyang pananghalian at nang makuha ay umupo agad siya sa bakanteng upuan hanggang sa simulan na nito ang pagkain. Habang abala siya sa pagkain ay may biglang nagpatong ng isang box ng chocolates.





"Steven??.." lumuluhang sambit ni Andrei nang makita niya ang kanyang bestfriend.





"I'm sorry Andrei.." napaiyak na lang si Steven sabay yakap nito kay Andrei.





"No.. no.. no.. wala kang kasalanan Steven.. ako ang may kasalanan sa'yo.." umiiyak din na sambit ni Andrei habang yakap yakap siya ni Steven.





Nang tumahan na silang dalawa ay agad nang pinaupo ni Andrei ang kanyang bestfriend sa tabi nito. Binuksan naman ni Andrei ang chocolate at sinubuan si Steven. Para na silang magjowa dahil sa kanilang sweetness na ginagawa. Ilang oras ang lumipas... pagkatapos ng kanilang klase ay agad na inaya ni Steven si Andrei na mamasyal.





"Uhmm.. Andrei?? Gusto mo bang pumunta sa bahay namin ngayon??.." nakangiting pag aya ni Steven sa kanyang bestfriend.





"Oo naman Steven.." tuwang tuwa na sagot ni Andrei kay Steven.





Natuwa naman si Steven matapos pumayag ni Andrei sa kanyang hiling. Pagkatapos naman nilang mamasyal ay agad silang sumakay ng kotse at bumiyahe papunta sa mansyon nina Steven. Pagkarating nila sa mansyon nina Steven ay sinalubong na sila ng mga katulong nito.





"Magandang hapon po Master Steven.." agad na bati ng mga katulong sabay yuko nilang lahat.





"Good afternoon.. siya nga pala.. ito si Andrei.. ang aking bestfriend.." nakangiting pagpapakilala ni Steven kay Andrei sa kanyang mga katulong.





"Magandang hapon po sa inyo Sir Andrei.." masayang bati naman ng mga katulong kay Andrei.





"Good afternoon po sa inyong lahat.." nakangiting bati din ni Andrei sa mga katulong ni Steven.





"Uhmm.. Manang?? Dumating na ba sina Daddy at Mommy??.." agad na tanong ni Steven sa isang katulong nito.





"Opo Master, kanina pa po sila dumating.." sagot naman ng katulong kay Steven.





Agad namang pumasok ang dalawa sa loob ng mansyon upang ipakilala si Andrei sa mga magulang ng kanyang bestfriend. Ilang saglit pa ay narinig na nila ang boses ng mga magulang ni Steven.





"Oh, anak?? You're home early.." sambit naman ni Rocco kay Steven.





"Yes Dad, kasi gusto kong makilala niyo ang aking bestfriend.. Mommy, Daddy.. si Andrei po pala.. and Andrei.. mga magulang ko.." nakangiting pagpapakilala naman ni Steven kay Andrei sa mga magulang nito.





"Hello Andrei.. ako nga pala si Olivia.. nice meeting you.." tuwang tuwa naman na sambit ni Olivia sabay pakipagkamay nito kay Andrei.





"Hello po Ma'am Olivia.. nice meeting din you po.." nakangiting pakipagkamay din ni Andrei sa Stepmother ni Steven.





"Tita na lang itawag mo sa akin darling.. okay??.." sagot naman ni Olivia kay Andrei.





"Uhmm.. si-sige po Tita.." nakangiting sagot naman ni Andrei sa stepmother ni Steven.





"Hello Andrei, ako naman si Rocco, and just call me Tito, okay.. nice meeting you.." pakipagkamay din ni Rocco kay Andrei.





"Hello po Tito Rocco, nice meeting din you po.." pakipagkamay naman ni Andrei sa ama ni Steven.





"Kumain ka na ba Andrei?? Gusto mo bang ipaghanda ka namin??.." agad na tanong ni Olivia kay Andrei.





"Ayy, opo Tita.. kumain na po kami ni Steven bago kami pumunta dito.." sagot naman ni Andrei kay Olivia.





"Ay ganun ba.. sige.. uhmm.. so ano'ng gagawin niyo ngayon??.." tanong naman ni Olivia sa dalawa.





"Maglalaro at magkukwentuhan na lang kami ni Andrei sa kwarto Mommy.." sagot naman ni Steven sa kanyang stepmother.





"Ah okay sige.." sagot na lang ni Olivia sa kanyang stepson.





"Sige na.. akyat na kayong dalawa.. ingatan mo si Andrei, anak ha.." paalala naman ni Rocco sa kanyang anak.





"Yes po Dad, halika na Andrei.." agad na aya ni Steven sabay hawak nito sa kamay ni Andrei at hinila paakyat ng kanyang kwarto.





Pagkapasok naman nilang dalawa ay namangha naman si Andrei dahil sa laki at lapad ng kwarto ng kanyang bestfriend. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ng kwarto ni Steven ay napansin niya ang tatlong picture frame sa mesa. Nang nilapitan niya ito ay nagulat siya nang makita niya ang picture nilang dalawa ni Steven na magkasama pati na rin ang mga solo pictures nila.





"Nagustuhan mo naman ba ang mga pictures natin Andrei??.." biglang tanong naman ni Steven mula sa likuran ni Andrei.





"Nagulat naman ako sa'yo Steven, uhmm.. Oo.. sobra kong nagustuhan talaga.. never ko kasing naranasan yan eh.." sagot naman ni Andrei sa kanyang bestfriend.





"No worries.. sa akin mo lang mararanasan yan Andrei.." nakangiting sagot naman ni Steven sabay akbay nito kay Andrei.





Ilang saglit pa ay niyakap naman ni Andrei si Steven.





"I love you Andrei.." biglang sambit naman ni Steven habang yakap siya ni Andrei.





"Huh?? Ano'ng sabi mo Steven??.." gulat na tanong ni Andrei kay Steven.





"Wala.." natatawang sagot naman ni Steven kay Andrei.





"Ah wala pala ha.." natatawang sambit naman ni Andrei sabay kiliti nito kay Steven kaya naman ay napahiga silang dalawa sa kama at napapatong si Steven kay Andrei.





Ilang segundo din silang nagkatitigan na dalawa hanggang sa hinaplos ni Steven ang pisngi ni Andrei. Ilang saglit pa ay unti unti nang inilapit ni Steven ang kanyang mukha hanggang sa idinampi nito ang kanyang labi sa labi ni Andrei. Napapikit na lang si Andrei hanggang sa hindi niya namamalayan na gumaganti na siya ng halik kay Steven. Di katagalan ay naging sabik na ang kanilang paghahalikan hanggang sa hinubad na nila ang kanilang mga saplot sa katawan at ipinagpatuloy ang kanilang paghahalikan.








Itutuloy...








---@spicelopez---

House Full of HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon