CHAPTER TEN

2.3K 75 7
                                    


HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)






Kinabukasan... same routine.. maaga ulit gumising si Andrei upang ipaghanda ng pang almusal ang kanyang mga nag gagwapuhang mga amo. Nang makapagluto na siya at maiayos na niya ito sa kanilang dining table ay dali dali na siyang tumungo ng banyo upang maligo at maghanda na para sa kanyang eskwela. Nang makapagbihis na si Andrei ay agad na niyang tinungo ang kwarto ng kanyang mga amo para tawagin ito sa kanilang almusal. Isang oras ang lumipas... nang makapag almusal na silang lahat ay agad nang nagpaalam si Andrei sa kanyang mga amo upang pumasok sa kanyang eskwelahan.

Di katagalan... Pagkarating naman ni Andrei sa kanilang university ay naghanap muna siya ng shed na mauupuan habang naghihintay ito sa kanilang first subject. Habang naglalakad si Andrei sa hallway ay nakita nito si Steven na may dalang flowers habang papalapit ito sa kanya. Nang magkalapit na silang dalawa ay agad na hinawakan ni Steven ang kamay ni Andrei at kinausap ito.





"Andrei.. I'm really sorry for what I did kahapon.. hindi ko talaga sinasadya.." malungkot na paghingi ng paumanhin ni Steven kay Andrei.





"Huy.. Ano ka ba Steven.. walang kaso sa akin yon.. huwag ka nang mag alala okay.." nakangiting sagot ni Andrei na ikinangiti naman ni Steven.





"Talaga Andrei?? Pinapatawad mo na ako??.." tuwang tuwa na tanong ni Steven kay Andrei.





"Oo naman Steven.. wala na yon.. huwag mo nang alalahanin yung nangyari.. hindi naman magbabago ang tingin ko sa'yo.. ikaw lang naman ang kaibigan ko dito eh.." nakangiting sagot ni Andrei kay Steven.





"Yayyy!! Thank you Andrei.. siya nga pala.. para sa'yo.. peace offering ko.." nakangiting sambit ni Steven sabay abot ng white roses kay Andrei.





"Uyy!! Thank you Steven.." nakangiting sagot naman ni Andrei sabay yakap nito kay Steven.





"Thank you din Andrei.. halika na.. pasok na muna tayo sa room.. dun na lang tayo maghintay.." pag aaya naman ni Steven kay Andrei.





"Sige.. tara.." sagot naman ni Andrei kay Steven sabay alis nilang dalawa.





Ilang oras ang lumipas... at dahil lunch break na nila ay agad nang inaya ni Steven si Andrei na pumunta ng cafeteria.





"Hintayin mo na lang ako dito Andrei, ako nang bahala sa lunch mo.. treat ko.." nakangiting pagpiprisinta ni Steven nang makahanap na sila ng pwesto.





"Naku, huwag na Steven, nakakahiya naman sa'yo.. ako na ang bibili ng pagkain ko.." agad na pagtanggi ni Andrei sa alok ni Steven.





"Bakit mo ba ako palaging nirereject Andrei?? Nakakasama ka na ng damdamin ha.." malungkot na tanong ni Steven kay Andrei.





"Hi-hindi naman sa ganon Steven, nahihiya lang kasi ako sa'yo eh.." pagpapaliwanag naman ni Andrei kay Steven.





"Bakit ka naman mahihiya?? Hindi mo naman ito hinihingi eh, kusa ko itong ibinibigay sa'yo.. kaya huwag ka nang tumanggi, bibili na ako.." huling sagot ni Steven bago niya iniwan sa table si Andrei.





Habang naghihintay naman si Andrei kay Steven ay nabigla siya nang may biglang magbuhos ng isang basong juice sa kanyang ulo. Nagulat naman si Andrei sa nangyari kaya bigla siyang napatayo sa kanyang table at nilingon ang taong nagbuhos sa kanya ng juice. Nagulat naman si Andrei nang makita niya na si Bryce pala ang nagbuhos ng juice sa kanya. Agad namang tumawa ang ibang mga estudyante pagkatapos ng nangyari.





House Full of HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon