HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)Kinagabihan... pagkarating nilang dalawa sa bahay ay nagulat pa ang apat na kalalakihan nang makita nila si Andrei.
"Andrei!!.." tuwang tuwa na sambit ni Gabriel sabay yakap nito kay Andrei.
"Kuya Gab!! Namiss kita.." tuwang tuwa rin na sambit ni Andrei habang yakap siya nito.
"Mas namiss kita Andrei.." malambing na sagot ni Gabriel sabay halik nito sa labi ni Andrei.
"Sana all may halik.." natatawang sambit ni Daniel.
"Hahaha.. napakaseloso naman ng mga amo ko.." natatawang sagot ni Andrei.
Pagkatapos na makipaghalikan ni Andrei kay Gabriel ay sunod naman niyang hinalikan si Daniel.
"Mmm... namiss ko 'tong halik mo Andrei.." nakangising sambit ni Daniel pagkatapos siyang halikan ni Andrei.
"Namiss ko rin ang halik niyo Kuya Daniel.." nakangiting sagot ni Andrei.
Pagkatapos ay sunod namang hinalikan ni Andrei sina Jerick at Adrian.
"Ang sarap talaga ng labi ni Andrei.. hehe.." nakangising sambit nina Jerick at Adrian.
"Relax lang kayo diyan mga Kuya dahil ipagluluto ko kayo ng dinner.." nakangiting sambit ni Andrei sa kanyang mga gwapong amo.
"Naks naman.. napakasweet mo pa rin Andrei.." nakangiting sagot ni Gabriel sabay halik nito sa noo ni Andrei.
Pagkatapos nilang mag usap ay agad nang tinungo ni Andrei ang kusina at sinimulan nang magluto ng hapunan. Di katagalan ay tapos na ring magluto si Andrei hanggang sa inihain na niya ito sa dining table.
"Mga Kuya?? Kain na po tayo.." pagtawag ni Andrei sa mga kalalakihan.
"Wow.. ang sarap naman ng mga iniluto mo Andrei.." nakangiting puri ni Daniel pagkakita nito sa mga pagkaing nakahanda sa kanilang dining table.
"Special po kasi ang gabing ito kaya sinigurado kong espesyal ang mga inihanda kong pagkain.." nakangiting sagot ni Andrei sa kanilang lahat.
"Babalik ka na ba rito sa bahay, Andrei?? Dito ka na ba titira ulit sa atin??.." tanong ni Jerick kay Andrei.
Nalungkot naman ang mukha ni Andrei pagkatapos siyang tanungin ni Jerick.
"Uhmm.. pa-pasensya na talaga mga Kuya pero ngayong gabi lang po ako nandito dahil bukas ay babalik na ako sa bahay ng bestfriend.." malungkot na sagot ni Andrei sa kanyang mga amo.
"Alam mo Andrei, mas ligtas ka kung hindi ka rito nakatira dahil kahit anong oras ay maaaring bumalik si Andrea sa bahay na ito.." sagot naman ni Adrian.
"Bumisita ka lang dito Andrei kapag may oras ka para makapagbonding tayong lahat.." nakangiting sagot ni Daniel kay Andrei.
"Maraming salamat po talaga mga Kuya.. napakalaki ng utang na loob ko sa inyong lahat.." nakangiti at lumuluhang pasasalamat ni Andrei sabay yakap nito sa kanyang mga naggagwapuhang mga amo.
BINABASA MO ANG
House Full of Hunks
RomanceAng kwentong ito ay pang LGBTQIA+ or pwede na rin sa mga taong may malawak na pag-iisip. May mga eksena sa kwentong ito na hindi angkop sa mga mambabasa na 21 pababa ang edad. Kung hindi ka sanay magbasa ng mga ganitong istorya... mabuti pa at magha...