CHAPTER THIRTY FOUR

635 39 5
                                    


HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)






Habang pauwi pa lang si Lucas ay nakakuyom na ang kanyang kaliwang kamao. Sinisisi na niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa kanyang mahal na si Andrei. Nagsisisi siya na may nangyari pa sa kanila ni Andrea at nabuntis niya ito at nang dahil sa kanya ay nasaktan niya si Andrei at naghantong pa sa puntong kailangan niyang dumistansya para hindi na siya masaktan pa. Pagkarating ni Lucas sa kanilang bahay ay saktong naghihintay sa kanya si Andrea.





"Lucas?? Sa'n ka galing?? Kanina pa ako nag aalala sa'yo??.." nag aalalang tanong ni Andrea sabay yakap nito kay Lucas.





Hindi naman sumagot si Lucas at inalis niya lang ang pagkakayakap sa kanya ni Andrea.





"Bakit Lucas??.." nagtatakang tanong ni Andrea kay Lucas.





"Sabihin mo sa akin ang totoo.. ano'ng ginawa mo kay Andrei bakit siya naglayas??.." seryosong tanong ni Lucas kay Andrea.





"Bakit Lucas?? Naniniwala ka na rin ba sa mga sinabi ng mga kupal mong mga kapatid?? mas pinaniniwalaan mo na sila kaysa sa akin na kasintahan mo??.." sagot naman ni Andrea kay Lucas.





"Sagutin mo yung tanong ko Andrea, ano ang ginawa mo kay Andrei, bakit may sugat ang kanyang ulo??.." seryosong tanong pa rin ni Lucas at halata na sa kanyang mukha na nagpipigil ito ng galit.





"Wala!! Wala akong ginawa kay Andrei. Aksidente yung nangyari sa kanya, Lucas. Ako pa nga ang gumamot sa kanyang sugat sa ulo diba?? So bakit mo naman sinasabi na sinaktan ko siya kung ako mismo ang tumulong sa kanya na gamutin siya??.." pagpapaliwanag naman ni Andrea kay Lucas.





Napabrush up na lang si Lucas ng kanyang buhok dahil sa stress at sa nangyayari ngayon sa kanilang bahay.





"Pwede ba Andrea, umuwi ka na muna sa inyo. Mas mahihirapan ako kapag nandito ka pa sa bahay.." utos naman ni Lucas na ikinagulat naman ni Andrea.





"What?? Bakit Lucas?? Don't tell me, mas pinaniniwalaan mo yung mga kapatid mo kaysa sa akin.." tanong ni Andrea kay Lucas.





"Hindi naman sa ganon Andrea. Ang akin lang naman, mas mabuti pang doon ka na muna sa bahay ng mga magulang mo para hindi ka mahirapan dito sa bahay, lalo pa't wala na si Andrei dito. Ayoko ring marinig ang mga pagtatalo ninyo ni Gabriel at ng iba ko pang mga kapatid dito.." sagot naman ni Lucas kay Andrea.





"Bakit ba kasi hindi mo kayang pabalikin si Andrei sa bahay na 'to?? Hindi ba kayo ang nagpapaaral sa kanya?? Ano yon?? Wala na siyang utang na loob para hindi kayo pagsilbihan dito??.." tanong ni Andrea kay Lucas.





"Huwag ka nang maraming tanong Andrea, basta... umuwi ka nalang muna sa inyo. Mas mapapanatag ang loob ko kung nasa puder ka ng mga magulang mo. Mas makabubuti yan sa ating magiging baby.." pakiusap naman ni Lucas kay Andrea.





Napabuntong hininga naman si Andrea bago ito sumagot.





"Sige.. dun na lang muna ako sa bahay namin pero siguraduhin mo rin na maibabalik mo si Andrei dito Lucas ha?? Hindi ko kasi kayang hindi kita makita eh.." pagpapabebe naman ni Andrea sabay yakap nito ulit kay Lucas.





"Sige na, ayusin mo na mga gamit mo at ihahatid na kita sa bahay ng mga magulang mo.." agad na utos ni Lucas kay Andrea.





"What?? Ngayon na talaga?? Uhmm.. si-sige.." tanging sagot na lang ni Andrea sabay akyat nito papunta sa kanilang kwarto upang ayusin ang kanyang mga gamit.





Di katagalan ay nakuha na lahat ni Andrea ang kanyang mga gamit at isinakay na ito sa kotse ni Lucas hanggang sa bumiyahe na ang dalawa.





---xxx---





Sa mansyon ng mga Asuncion - Martinez... nakatunganga lang si Andrei sa bintana nang maramdaman niya na may yumakap sa kanya mula sa likuran.





"Mukhang malalim ang iniisip mo Andrei ah. What's the problem??.." tanong ni Steven habang nakayakap siya.





"Hmm?? Wala ito.. nagpapahangin lang Steven.." sagot naman ni Andrei sa kanyang bestfriend.





"Ano nga pala yung pinag usapan niyo kanina ni Kuya Lucas??.." tanong naman ni Steven kay Andrei.





"Inaya niya akong umuwi na ng bahay.." sagot ni Andrei kay Steven.





"Ano yung isinagot mo sa kanya??.." tanong nito kay Andrei.





"Basta sinabi ko lang kay Kuya Lucas na babalik lang ako kapag pinaalis niya na si Ate Andrea sa bahay. Hindi naman magkakaroon ng katahimikan ang bahay na yon kapag nandon ang babaeng yon eh.." sagot naman ni Andrei kay Steven.





"What do you mean Andrei??.." nagtatakang tanong ni Steven sa kanyang bestfriend.





"Yung isang kapatid ni Kuya Lucas na si Kuya Gabriel, siya yung tagapagtanggol ko sa bahay na yon at siya rin ang dahilan kung bakit nagkaalaman na ng nangyari sa akin. Si Kuya Gabriel kasi ang tipo ng lalaki na hindi madaling matinag lalo na sa mga ma attitude na mga babae.. kaya palagi silang nag aaway ni Ate Andrea kapag naaagrabiyado ako o inaapi.." pagpapaliwanag naman ni Andrei sa kanyang bestfriend.





"Pero pag napaalis na ba yung Andrea na yon eh, babalik ka ba sa bahay na yon??.." seryosong tanong ni Steven kay Andrei.





"Mahirap sagutin ang tanong mo na yan Steven lalo pa't inako niyo na ang responsibilidad sa akin especially sa pagpapaaral sa akin and besides, wala na akong peace of mind don kasi anytime ay pwedeng bumalik si Ate Andrea at baka ano pa ang mangyari sa akin.. " sagot naman ni Andrei sa kanyang bestfriend.





"Pero pag hindi kami ang nagpapaaral sa'yo at si Kuya Lucas pa rin ang umaako ng responsibilidad sa'yo, babalik ka pa ba kapag wala na si Andrea??.." seryosong tanong pa rin ni Steven.





"Hindi ko rin alam Steven kasi nakasalalay na rito yung buhay ko eh.. katulad nga ng sabi ko sa'yo, hindi ako magkakaroon ng peace of mind. Mas pipiliin ko na lang siguro ang maging palaboy sa daan kaysa ang tumira pa sa bahay na yon na hindi ko naman alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay.." malungkot na sagot ni Andrei kay Steven.





"Dami mo namang sinasabi.." natatawang sagot ni Steven sabay halik nito sa labi ni Andrei.





Ipinulupot naman ni Andrei ang kanyang mga braso sa leeg ni Steven at gumanti rin ito ng halik. Ilang minuto rin silang naghalikan hanggang sa huminto rin ang dalawa sa kanilang ginagawa.





"Hindi talaga nakakasawa ang iyong labi Steven, ang sarap papakin. Ehehehe.." nakangising puri ni Andrei pagkatapos nilang maghalikan ni Steven.





"Ang sarap mo rin kasi Andrei eh.. hehe. Halik na, magpahinga na tayo at mamamasyal tayo bukas.." nakangiting aya ni Steven sabay hila nito kay Andrei papunta ng kama hanggang sa natulog na silang magkayakap.








Itutuloy...








@spicelopez

House Full of HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon