Umpisa

671 14 0
                                    

"Aisha"

"Boss" 

"Congrats sa matagumapay na pagpatay kay Mr. Aberto. Nabawasan na din ang tinik sa mundo ng mafia"

"Thank you boss"

"Hhm...and by the way, I have a request for you"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"A request? Not a mission?"

"Yeah"

"That's new..."

"It's my personal request"

" Then I can't say no to that"

" You can" he said   "Delekado kasi itong ipapagawa ko, and I don't want to force you if you really can't"

" Mukhang seryoso 'yan ha? But let me hear it first" sabi ko at naupo sa isang single couch.

"I have girlfriend"

" Hhm? You mean Kia Alviron?"

" Yes"

" Kayo na pala? So? What's with her?"

"Mukhang nalaman ng mga kalaban natin na may girlfriend ako, at alam mo naman sa mundo ng mafia walang pinipili. Kung ano yung alam nilang makakapagpabagsak sa kalaban gagawin nila. Ganun din ang ginagawa natin hindi ba?"

I nodded

" So gusto mong bantayan ko ang girlfriend mo?"

" Yes"

" Hindi ba mas madali kung unahan mo na sila? I mean patayin mo yung gustong gumalaw sakaniya."

" Naisip ko na rin 'yan, pero hindi lang naman isang grupo ang may gustong galawin si Kia"

" Teka, sa tono ng pananalita mo parang may nangyaring hindi maganda"

He sighed. Hindi siya nagsalita at mukhang may nangyari nga, but it's not my business anymore.

" So? Anong gagawin ko?"

Pagtapos niya ipaliwag sa akin ang gagawin nagpaalam na rin ako para mapaghandaan ang gagawin ko. Dumeretso na agad ako sa apartment ko, naligo at nagluto ako ng pagkain ko then after ko kumain agad ko ng inempake ang mga gamit ko.

Madali lang naman gagawin ko pero baka ito na yung pinaka-boring na gagawin ko sa lahat ng trabahong ginawa ko. Kung hindi ko lang sana kaibigan 'yon at dahil sa malaking halagang ibabayad niya sa 'kin hindi ko naman gagawin ang trabahong 'to.  But to be honest, minsan lang humingi ng request si Dien at sa akin pa mismo kaya hindi ako makahindi sakaniya.

Nanonood ako ng balita nang biglang may nag-doorbell. Tumayo ako at pinagbuksan ang kung sino mang nasa labas ng pintong 'yon.

"Aisha!!"

Napaatras ako nang bigla akong ambahan ng yakap ni Roa.

"Roa, when did you get back?"

Galing kasi siya sa Japan para sa mission na binigay sakaniya ni Dien. Halos tatlong buwan din ata siya doon.

"Kanina lang" sagot niya at umayos siya ng tayo.  "Dumeretso agad ako sa base natin para mag-report kay Dien and he told me na may bago kang mission"

"Uh...yeah"

Sinara ko ang pinto at sinundan siya sa may sofa.

" And he asked me to help you"

" Huh?" Gulat na sabi ko.  "Hindi ko naman kailangan ng kasama"

"Well, that's what I said pero mukhang seryoso itong pinapagawa niya sa 'yo."

"Delekado kasi itong ipapagawa ko, and I don't want to force you if you really can't"

Ganun ba ka-delekado itong pinapagawa niya sa 'kin at kailangan niya pang isama si Roa sa akin? Pero sa bagay, this time hindi lang isang grupo ang kalaban namin kundi ang buong mafia community.  Gusto talaga nila pabagsakin si Dien.

" So pumunta na agad ako dito para maaga tayo makaalis bukas"

" Nasaan ang gamit mo?"

" In my car" sagot niya.   "By the way, I have pasalubong for you. Ibibigay ko sa 'yo bukas dahil nasa kotse ko naiwan"

I just nodded then umupo na sa mahabang sofa katabi niya.

" Mr. Aberto Wang natagpuang patay sa sarili niyang kwarto.  Ayon sa imbestigasyon bente ang natamo nitong saksak bukod pa dito ang hiwa sa leeg nito..."

" Twenty? I thought it's twenty-five" I said

" You are brutal as always" sabi ni Roa

" Huh? Normal lang ang pagpatay ko sakaniya. Though, I'm planning to chop and burn his body pero may dumating na mga bodyguard so I just cut his neck to make sure na hindi na siya mabubuhay"

" You think sa bente na saksak hindi pa siya mamamatay?"

" Magagaling na ang mga doctor ngayon at saka malay mo may lahing pusa 'yon"

" Seriously?"

" So, how about you? How's your mission?"

" Well, hindi naman ako makakabalik dito kung hindi ako nagtagumpay. But yeah, natapos ko naman ng maayos"

" Hulaan ko, you tortured him?"

She just smile and nodded while looking at the television. Kung ako brutal mas brutal siya. Tinutorture niya ang biktima niya hanggang sa bawian ito ng buhay.

"Roa"

"Hhm?"

"Magpahinga ka na kaya? Maaga pa tayo aalis bukas"

"Oo nga" sabi niya at tumayo na.  "Ikaw, hindi ka pa matutulog."

" Susunod ako, kakausapin ko lang si Mrs. Mocha"

" Ahh.. okay"

Pagpasok niya sa loob ng kwarto lumabas na rin ako ng apartment ko at bumaba para pumunta sa bahay ni Mrs. Mocha. Mrs. Mocha is the owner of this building, ang tagal ko na din nag-stay sa apartment na 'to  kaya medyo close ko siya. 

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila agad na akong kumatok sa pintuan. Maya-maya lang bumukas na ang pinto at bumungad sa akin si June anak ni Mrs. Mocha.

" Aisha, ikaw pala"

" Uh... Si Mrs. Mocha--I mean Mrs. Garcia"

Mrs. Mocha is not her real name, it just that she love mocha flavor. That's why we called her that.

" Nasa kusina, hali ka pasok ka muna"

"Thank you"

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at pinaupo ako ni June sa sofa nila.

"Nay! Si Aisha po hinahanap kayo"

"Teka!!" Sigaw ni Mrs. Mocha mula sa kusina.   "Aisha, napadalaw ka?" Tanong ni Mrs. Mocha pagkalabas niya ng kusina.

" Uhm... Magpapaalam lang po sana ako"

" Hmm? Bakit, saan ka pupunta?"

" Bakasyon lang po"

" Ganun ba? E ilang araw ka ba mawawala?"

" Hindi lang po ako sure, pero babalik po ako."

" Ganun ba? O'sha at ako na ang bahala sa apartment mo"

" Thank you po. And mag-aadvance pay na rin po ako ng dalawang buwan."   Sabi ko at inabot yung sobreng may lamang pera. Kinuha niya naman 'yon sa 'kin at tinignan iyon.

" Ganun ka ba katagal mawawala?" Tanong ni June

" I'm not sure, baka lang hindi ako makabalik sa loob ng dalawang buwan" sagot ko.  "Sige po, kailangan ko ng umalis maaga pa po kasi ako bukas"

"O'sha, mag-ingat ka ha"

Tumango lang ako at umalis na. Bumalik na ako sa apartment ko at dumeretso na agad sa kwarto ko. Tulog na si Roa nang pumasok ako kaya dahan-dahan akong sumampa sa kama sa tabi niya at natulog na rin.

Tomorrow will be the long and tiring day...

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon