Kabanata 2

217 9 0
                                    

Pagkatapos kami ipakilala ni Kia sa mama niya hinatid niya kami sa guest room nila. Halatang kakalinis lang ng kwartong ito, walang masiyadong nakalagay na gamit kundi ang double sized bed with four pillow and one comforter. May side table din kung saan nakapatong ang maliit na lampshade at may wooden cabinet na may salamin. May isa pang pinto sa gilid lang ng cabinet na sa tingin ko ay banyo.

"Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa 'kin. Nasa left side lang ang kwarto ko."

Tumango lang ako

"May pagkain kayo?" Tanong ni Roa kaya binatukan ko siya.  "Aisha naman e!" Reklamo niya. Pinanliitan ko lang siya ng mata.

"Gumawa ng meryenda si mama, baba na muna tayo para makapag-meryenda kayo" sabi ni Kia

"Ayon oh!" Natutuwang sabi ni Roa

"Magpapahinga muna ako" sabi ko

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Roa at umiling lang ako.

"Titirhan ka nalang namin ng pagkain" sabi ni Kia

"Ouhm... Thank you Kia" sabi ko  "Roa, ikaw muna bahala kay Kia"

"Hhm! Don't worry"

"At wag masiyadong makulit"

"I'll take care of her" sabi ni Kia

"Please"

Lumabas na sila kaya ako nalang ang natira sa kwarto. Sinara ko lang ang pinto at agad ng nahiga sa kama. I'm tired.  Ngayon lang ulit ako nakapagpahinga at feeling ko sa lahat ng ginawa ko nitong mga nagdaang araw ngayon ko lang naramdaman ang pagod.  Dahil sa misyon ko hindi ako masiyadong nakapagpahinga at hindi din maayos ang tulog ko. Kaya naman hating gabi na ako nagising.

Naligo muna ako at nagbihis lang ng puting oversized shirt at short shorts. Lumabas ako ng bahay para mag-yosi, kumuha ako ng isang stick at nilagay sa bibig ko bago 'yon sinindihan. Nag-scroll lang ako sa phone ko habang naninigarilyo, nakatatlong yosi na ako at kukuha pa sana ulit ako nang mapansin ko ang dalawang lalaki na naglalakad papunta sa gawi ko. At nang maininag ko ang mukha ng isa nakahinga ako. Akala ko kalaban na. Ready na akong bunutin ang baril na nasa likuran ko.

"Uh...Ikaw ba yung kaibigan ni Kia?" Tanong nong lalaki na kasama ni Kevin. Ngayon ko lang napansin na inaalalayan siya nong lalaki at base sa itsura niya, mukhang lasing.

Tumango lang ako sa tanong nong lalaki.

"Pasensya na sa abala, puwede bang ikaw na maghatid sakaniya sa loob. May ihahatid pa kasi akong isa pang lasing" buntong-hiningang sabi niya. Tumango lang ako at kinuha na si Kevin sakaniya.  Inakbay ko ang kamay niya sa balikat ko at hinawakan 'yon habang nasa bewang naman yung isa kong kamay.   "Thank you miss ha"

Tumango lang ako sakaniya

"Uy bro, una na ako ha" Paalam niya kay Kevin at tinapik ito sa balikat at umalis na din nang wala siyang matanggap na sagot mula kay Kevin.

Alright... Anong gagawin ko?

"Hey, can you walk?" Tanong ko kahit alam ko naman na hindi niya ako sasagutin dahil lasing nga siya. So wala akong choice kundi ang aalalayan siya at dinala sa loob. Paakyat na ako ng hagdan nang makasalubong namin si Kia.

"Aisha? Teka kuya?"

Nagmamadaling bumaba si Kia at tinulungan niya akong iakyat ang kuya niya sa taas.

"Jusko naman 'tong lalaking 'to! Ang bigat!" Reklamo ni Kia. Dinala na namin siya sa kwarto niya at pinahiga sa kama niya.   "Hayst!"

"Balik na ako sa kwarto" Paalam ko kay Kia

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon