Kabanata 4

186 11 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang dumating kami dito at tatlong araw na rin namin binabantayan si Kia. Sa bahay, sa school o kung saan man siya pumunta na kahit bibili lang siya sa tindahan ay sinasamahan namin siya, minsan ako minsan si Roa. Wala pa naman ako nararamdaman na may sumusunod kay Kia o may nagmamasid sakaniya kaya panatag pa ang loob.

"Aisha, tapos na ako mag-break ikaw naman"

"Okay lang ako"

"Sure ka?"

"Ouhm..."

Nandito kami ngayon sa rooftop ng isang school building kung saan nakikita namin ang room ni Kia at ang bawat kilos niya. Medyo malayo pero ayos lang dahil may gamit naman kaming telescope.

"Aisha!"

"Hmm?"

"Aisha may tao!"

"Huh?"

Napatingin ako sa pinto at may narinig nga akong mga footsteps. Mabilis namin inayos ang mga gamit namin at tatago na sana ako sa stock room na nandito sa rooftop nang makitang hindi nakasunod si Roa sa akin. Tatawagin ko sana siya pero nakababa na siya gamit ang isang rope at pabukas na rin ang pinto ng rooftop kaya hinayaan ko nalang si Roa at nagtago nalang sa stock room. Narinig ko ang tawanan nila at ang pamilyar na mga boses nila.

"Gago pre, ang ganda talaga ng katawan nong babae!" Dinig kong sabi ng isang hindi pamilyar na boses.

"Swerte ha" this time alam kong si Rich yung nagsalita.

"Madaya hindi nag-aaya" -Jhay

Napailing nalang ako sa pinag-uusapan nila. They're talking about a girl na nakasama kagabi nong kasama nila. Hindi ko alam kung bakit kailangan ikwento niya ng buo ang nangyari sa kanila nong babae.

Boys...

"Kev, birthday ni Lea sa sabado ah. Invited ka ba?" Tanong ni Jhay

Wala akong narinig na sagot mula kay Kev, it's either tumango siya o umiling bilang sagot.

"So pupunta ka?"

"Ang tanga naman ng tanong mo Win. Obvious ba? Syempre hindi pupunta 'yan, after what she did?" Sabi ni Bryan.  "Right bro?"

" Why do you even asked?" Rinig kong sabi ni Kevin.

" See?"

" Sorry na. Curious lang naman"

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa may paanan ko nang makita ang isang ahas. Dahan-dahan kong binunot ang dagger na nasa may hita ko at dahan-dahan na nag-squat sabay saksak nong dagger sa ulo nong ahas. Pumulupot ito sa punyal at ang dulo ng buntot  nito ay nasa kamay ko. Tumayo ako at napaharap sa may pinto nang marinig kong nagkakagulo sa labas.

"Gago bakit andito 'yan?"

"Aba malay ko!"

"Umayos nga kayo! Kev magtago ka"

"Huh? Bakit?"

"Gago si Mian papunta dito, siguradong ikaw hinahanap non"

"So?"

"Basta magtago ka nalang"

Wala na akong ibang narinig at nagulat nalang na nagbukas ang pinto at nakita si Kevin na nagulat din nang makita ako.

"Aisha? Anong--"

Sinenyasan ko siyang wag maingay at hinila siya papasok sa loob at sinara ulit ang pinto nong stock room.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong niya 

"I'll explain later"

"Kanina ka pa ba dito--"

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon