Huling Kabanata

239 11 1
                                    

"So what are your plan? Are you going to kill them?" Tanong ni Kevin.

"I don't know"

"What do you mean?"

I sighed

"Tulad ng sabi mo, mawawala ba yung sakit na nararamdaman ko? Yung galit ko? Makakalimutan ko ba lahat kapag pinatay ko sila?"

"Pero masasayang lang lahat ng plano mo"

Napayuko ako

"I just want to scare them, actually. Gusto ko sila takutin para tigilan na nila ako"

Napaangat ako ng tingin sakaniya nang bahagya niyang ginulo ang buhok ko. He's smiling at me.

"Like what I said, whatever your plan is, kung ano man ang sa tingin mo ang tama, I'll support you"

Napangiti ako at niyakap siya, he kissed my forehead and hugged me tight. Habang magkayakap kami bigla nalang may narinig kaming ingay mula sa kwarto ni Isabel. Lalayo na sana ako kay Kevin, nang bigla nalang niya pinagpalit ang puwesto namin, sabay ng malakas na putok ng baril.

Taka akong napatingin sa babaeng nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Isabel, at doon nakita siyang nakatayo habang hawak ang baril na nakatutok sa amin. Dahan-dahan akong napatingin sa kamay kong nakayakap kay Kevin, nang maramdamang may kung anong mainit na likidong tumutulo doon. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakagalaw nang makita ang dugong mabilis na umaagos mula sa likod ni Kevin.

"K-Kev..."

Naramdaman ko ang mas paghigpit ng yakap ni Kevin sa akin at unti-unti siyang bumibigat, hanggang sa napaluhod na ako sa sahig, habang yakap pa din si Kevin.

"K-Kev..."

"I-I'm f-fine..." Nahihirapang sabi niya

"K-Kevin... You're not--"

"I-It's okay..."

"N-No..."

Nag-umpisang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.

"K-Kevin... S-Stay with me... Don't close your eyes!" Humihikbing sabi ko.   "Roa!! Dien!! Please...Please help me!! Kia!!"

"A-Aisha..."

Hinawakan niya ang kanang pisnge ko, may tumutulong dugo sa gilid ng bibig niya.

"K-Kev..."

"Listen... I'll be *cough* "

"Kevin! Don't talk..."

"I'm s-sorry..."

"No!"

Natigilan ako nang biglang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko, kasabay din ang pagbagsak ng kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Parang biglang bumagal lahat pati ang pagtibok ng puso ko dahil sa bigat at pagkamanhid na para bang daang-daang karayom ang tumutusok doon. Para akong nabingi na kahit kabog ng dibdib ko, hindi ko na naririnig.  Yung kamay ko nanginginig at hindi ko malaman kung yayakapin ko ba siya o hindi.

"Aisha!"

"K-Kevin!! Kevin!!"

"Aisha!! Calm down, parating na ang rescue team ni Andy" rinig kong sabi ni Roa pero parang hindi ko siya narinig. Dahan-dahan akong tumayo at walang sabi-sabing kinuha ang cellphone kay Roa, nasa kabilang linya pa din si Andy.

"Kill her"

"What? Aisha, Akala ko--"

"I said kill her!!" Sigaw ko kay Andy.  "Make sure na mapatay mo siya, dahil kung hindi ikaw ang papatayin ko!!" Gigil na sabi ko sakaniya.

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon