Kabanata 5

170 12 0
                                    

"Aisha!!"

Napatingin ako kay Kia na kakapasok lang ng kusina habang ako abala sa pagluluto.

"Totoo ba?"

"Ang?"

"Na naghalikan kayo ni kuya sa loob ng stock room? At hawak ni kuya yung..." Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.  "Yung..."

" Aah... Yeah, it's true"

" W-What?!"

"Saan mo naman nakalap yang chismis na 'yan?" Tanong ko habang hinahalo yung niluluto ko.

"Kalat na sa buong school!!"

"Ehh? Really?"

"Bakit parang wala lang sa 'yo?"

"Hmm? Dahil hindi naman big deal 'yon"

"Huh?!"

"Kia wag kang oa. We just kiss"

" While touching your f*cking b**bs!"

" Kia your mouth!"

Napatingin ako kay Kevin na kakapasok lang ng kusina.

" Sorry" nakangusong sabi ni Kia.  "Nag-aalala lang naman ako para sainyong dalawa. Lalo ka na kuya, famous ka pa naman sa school"

" I don't even know that" sabi ni Kevin

" No wonder, that girl is obsessed with you" natatawang sabi ko.

" Ayan pa! Alam niyo bang spoiled yang Mian na 'yan. Ilang babae na ang pinatumba niyan dahil kay kuya"

" Bakit parang kasalanan ko?"

" Kasalanan na talaga ngayon maging gwapo"

" So naga-gwapohan ka sa 'kin?"

" 70 percent"

" Eh?"

" Guys!! I'm serious here!"

Napatingin kami pareho kay Kia at sabay kaming natawa dahil sa itsura niya.

" Wag mo masiyadong problemahin 'yon. Ako bahala" sabi ko

"Problemahin mo yung mga ipapasa mong requirements sa school para  makaakyat ka ng stage sa lunes." Sabi naman ni Kevin at ginulo ang buhok ni Kia

" Tapos ko na! Napasa ko na lahat!"

" Mabuti naman"

" Aisha!!"

Lahat kami napalingon kay Roa sa biglaan niyang pagpasok sa kusina at hinihingal pa siya.

" Bad news!"

" Huh? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Kia.

" Teka, sinigang ba yang niluluto mo?" Tanong niya sa 'kin.

" Ouhm..."

" Na-miss ko 'yan, di pa ba luto?"

" Roa! The bad news!"

Bahagya akong natawa dahil halatang naaasar na si Kia.

" Ah oo nga sorry" sabi ni Roa at tinignan ako na nagsasabi kung puwede ko ba sabihin.  Tumango lang ako at pinatay na yung kalan dahil tapos na ako magluto. Pumunta na ako sa cabinet kung saan nakalagay ang mga pinggan at kubyertos.

"Tulungan na kita" sabi ni Kevin

"Thank you"

"So ayon na nga, mukhang balak ni Mian na ipapatay ka"

"Sinasabi ko na nga ba!" -Kia

" Di ka sure?"

"Well, mukhang hindi support ang Dad niya sa balak niya since may past issue pa silang hinaharap"

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon