"So double celebration pala 'to" sabi ni Kia
Nasa yate kami ngayon papunta sa isang island, puro kuwentohan at asaran ang mga nangyari. Still can't believe that after four years, nagkita-kita ulit kami at may mga nadagdag pa. Hindi pa rin ako komportable sa ibang kasama nila kahit kay Rudy na nauna kong nakilala.
Pakiramdam ko, hindi ako belong sa grupo nila lalo na kapag tungkol sa kanila ang pinag-uusapan at na-a-out of place ako. I just awkwardly smiled at them at tahimik lang na nakikinig sa kanila.
Nagki-kuwentohan sila nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko na sinagot 'yon nang makita ko ang pangalan ni Denver sa screen. Tumayo ako at lumayo ng kaunti kila Roa.
"Hey, 'zup"
"Let's hung out tonight"
"I can't, I'm with my friends today"
"Eh? You have friends?"
"Is that an insult? Huh Ever?"
" I told you to stop calling me that"
"Whatever Ever"
"Tsk!"
I laughed
"Talo ka na naman Ever" natatawang sabi ko
"So you can't come?"
"Hindi nga"
"Punta nalang ako diyan"
"We are in the middle of the ocean"
"What?"
"Papunta kami sa isang island"
"Ano ba 'yan"
Na-iimagine ko ang itsura niya ngayon kaya natawa ko.
"Hindi ka ba nagsasawa sa 'kin?"
"Why would I? I mean..."
"Ayiee... Ikaw ha, baka nahuhulog ka na" pabirong sabi ko. "Don't worry, sasaluhin naman kita"
"Ewan ko sa 'yo"
"Sige na nga, date nalang tayo pagbalik ko"
"That's a promise?"
Para siyang bata
"Promise"
"Okay"
Nagpaalam lang kami sa isa't isa at ako na ang nag-end ng call.
"Hoy! Sino 'yon?" Tanong ni Roa
"Boyfriend mo?" Tanong naman ni Kia
"Soon" nakangiting sabi ko.
Of course it's a lie. Kahit ata maghubad ako sa harap ni Denver hindi niya ako papatulan.
"Ayiee... Ikaw ha, lumalablayp ka na pala" pang-aasar ni Kia
"Gwapo ba?"
Pinakita ko sakanila ang picture ni Denver at yung dalawa, kilig na kilig. Habang yung mga asawa nila gusto ng itapon ang cellphone ko, kaya kinuha ko na 'yon sa kanila. Wala pa akong pang-palit nito.
Halos isang oras bago kami nakadaong sa isang island. It's a public beach kaya pagdating namin doon madaming tao, mga filipino at may mga ibang lahi. Roa told me na si Kevin daw ang may-ari ng resort na 'to. Well, hindi na ako nagulat since he's a mafia boss before. He have a lot of money to spend.
Pumunta kami sa isang private house kung saan daw kami mag-stay ng dalawang araw. Hinatid na kami ni Kevin sa kaniya-kaniya naming kwarto at mag-isa lang ako sa isang kwarto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what. Hayst! Hirap maging single!
BINABASA MO ANG
A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)
RomansaSi Aisha ay isang myembro ng isang sikat na mafia group. Ang summer ay isang ordinaryong araw pero para sakaniya, isa itong sumpa. Sumpa na magpapabago sa buhay niya, magpapagulo sa isip at puso niya. A summer that she will never forget... _________...