Kabanata 28

128 9 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas. Kinukusot ko ang mata ko at bumangon. Napalingon ako kay Kevin na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napatingin ako sa may pinto dahil tuloy pa din ang malakas na katok.

Mabilis akong tumayo at kumuha ng underwear sa bag ko at isang puting tee shirt.

"Kev!" Tawag ko kay Kevin

"Hmm..."

"May tao sa labas, I think--"

"Aisha!! Open this f*cking door!" Rinig kong sigaw ni Isabel mula sa labas. Napabuntong-hininga ako at tinignan ulit si Kevin na ngayon ay nagkukusot ng mata.

"Your girlfriend"

"You're here"

I sighed

"I mean Isabel" sabi ko.  "Baka masira yung pinto"

Bumuntong-hininga lang siya at tumayo na. Sinuot niya yung suot niyang boxer at shorts kagabi bago siya nagtungo papunta sa pinto at binuksan 'yon. Bumungad ang malakas na sampal ni Isabel kay Kevin.

"How dare you do this to me?!" Nanggagalaiting tanong ni Isabel.  "Paano mo ako nagawang lokohin?!! Ha Kevin!"

"Shut up! Ang ingay mo" inis na sabi ni Kevin na kinagulat ko.

"At ikaw pa may ganang magalit ngayon? After what you did?"

Napabuntong-hininga lang si Kevin, at nang hindi nakatanggap ng sagot si Isabel mula sakaniya, bumaling ang masamang tingin niya sa akin.

"You b*tch!!"

Susugurin na niya sana ako, nang bigla siyang hawakan ni Kevin sa braso, at marahas siyang tinulak pabalik sa labas ng pinto.

"You have no right to say that to her!" Madiing sabi ni Kevin.

"At pinagtatanggol mo pa talaga siya? At saka totoo naman ah, she's a b*tch"

"Kev!"

Napahakabang ako papunta sa kanila at agad pinigilan ang kamay ni Kevin na akmang sasampalin si Isabel.

"Sinabi ko na sa 'yo hindi ba, wala kang karapatan na sabihan siya ng ganiyan, dahil sainyong dalawa ikaw yung malandi!"

"Kevin" saway ko sakaniya

"W-What?"

He sarcastically smile

"Aisha never cheated, but you are"

"W-What are you saying?"

"You know what I am saying, Isabel Arhel!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig

"Arhel?" Wala sa sariling tanong ko.  "Isa kang Arhel?" Emosyonal na tanong ko kay Isabel at hindi siya nakasagot.  "Answer me!!" Galit na sigaw ko at malakas siyang sinampal.

"Aisha!"


"Aisha, I have a latest update about your mother case"

Napatingin ako kay Andy sa sinabi niya. Andito ako ngayon sa office niya dahil gusto niya daw ako makausap. At hindi ko alam na tungkol ito kay mommy.

"As you suspected, hindi basta-basta pangloloob ang nangyari sainyo. And I found a person who commanded those burglar."

"Who?" Nanginginig ang boses na tanong ko

"Rita Arhel, kapitbahay niyo sila. Nag-utos ako ng mga tao ko na mag-imbestiga about what happen to your mother. As expected, walang nakakaalam kung sino ang nanloob sainyo. Last week, may tumawag sa akin at sinabing kakilala niya daw ang isa sa mga nanloob sainyo. So agad ko siyang pinuntahan, at doon nga niya sinabi ang pangalan ng isa sa mga nanloob sainyo. Alfredo Arhel, ex-husband ni Rita Arhel"

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon