Kabanata 9

236 11 1
                                    

"Anong ginagawa mo?" Seryosong tanong ko sakaniya.

"Kumukuha ng tasa"

"Paalisin mo muna kaya ako"

"Wait, maaabot ko na"

Napabuntong-hininga nalang ako at hinayaan nalang siya. Amoy na amoy ko pabango niya, hindi 'yon ganun katapang and I actually like the smell. Maya-maya lang umayos na siya ng tayo pero hindi parin siya umaalis sa harap ko. Bahagya akong natigil nang bigla niyang hawakan ang noo ko.

"Hindi ka na mainit"

Masama ko siyang tinignan

"It means okay na ako. Kaya tigilan mo na ako"

"Pero kailangan mo parin uminom ng gamot para sa sipon at ubo mo"

" I don't need that--"

" Kapag hindi ka uminom ng gamot, then gagawin ko ulit ang ginawa ko kagabi. Mukhang effective yung ganun" nakangising sabi niya at sinamaan ko lang siya ng tingin.

I cross my arms and stared at him intently.

"Hindi ka ba natatakot na baka mahawa ka?"

"Hmm? Not really, I actually don't mind" sabi niya at nag-cross arms din habang nakatitig din sa akin.

"What you two doing there?" Tanong ni tita  "Kevin, andiyan mga kaibigan mo"

Napatingin ako kay tita, galing siya sa labas.  Kaya pala ang lakas ng loob niya makipag-usap sa 'kin ng ganito.

"Timpla mo 'ko kape" sabi niya sa 'kin

"Huh? Ano ako katulong mo?"

Hindi niya ako sinagot at ginulo lang buhok ko bago ako tinalikuran.

This bastard!

Bumuntong-hininga nalang ako at kinuha nalang yung dalawang tasa at pumunta sa bar counter para doon magtimpla ng kape. Hindi niya naman sinabi sa 'kin kung anong klaseng kape ang titimplahin ko kaya bahala siya kung hindi niya magustohan. After ko magtimpla dinala ko na sa sala yung kape niya.  Naabutan ko pa na kausap niya mga kaibigan niya.

"Good morning Aisha" bati ni Rich. Nginitian ko lang siya at sabay lapag nong tasa sa harapan ni Kevin.

"Thanks" sabi niya pero masama ko lang siya tinignan at tinalikuran na sila.

Bumalik ako sa kusina at doon ininom yung kape na tinimpla ko para sa 'kin. Hindi talaga ako nag-aalmusal kahit kape, ewan, nasanay na din siguro ang sikmura ko.

"Iha"  napaangat ako ng tingin kay tita.  "Mamayang tanghali baka tatlo lang kayo nila Kia ang maiwan dito, magluto nalang kayo ng ulam niyo o kaya magpa-grab nalang kayo may pera naman 'yon si Kia. May pasok kasi ako ngayon tapos si Kevin hapon pa uwi non galing school. Kaya kayo na muna bahala dito"

"Ouhm... Wala pong problema tita"

"O'sha at kailangan ko na mag-asikaso. Nakapagluto na ako ng almusal, tirhan niyo  nalang sila Kia at Roa"

Tumango lang ako bilang sagot kay tita then lumabas na siya sa kusina. Narinig ko pa ang bilin ni tita kila Kevin pero hindi ko na pinansin 'yon at ininom nalang yung kape habang nagce-cellphone ako. Habang abala ako sa pagce-cellphone ko bigla ako may narinig na nagkakagulo sa labas kaya napatayo ako at takang lumabas ng kusina.

"Roa"

Napatingin ako sa babaeng nasa lap ni Kevin, duguan ito at walang malay.

Leana?

"What happened?"

"Someone shoot her from a unknown car while we are talking to her" sagot ni Roa

" No, ako yung gusto nilang barilin and ate Lea saw them kaya niya ako niyakap. Ako dapat yung mababaril and... And she... She saved me!" Natatarantang sabi ni Kia at wala siyang tigil sa pag-iyak.

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon