"Mr. Monreles, this is miss Aisha Zwerden" pagpapakilala ni Andy sa akin kay Mr. Monreles.
" It's nice too meet you iha"
Nakipagkamay ako sakaniya at bahagyang ngumiti.
"Please sit down"
Tumango ako at umupo sa silya sa harap ng office table niya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Monreles"
Seryoso niya akong tinignan
"Your daughter Mian Monreles tried to kill me. Well, wala pa naman siya ginagawa but someone told me na plano niya pero ayaw mo siyang payagan for some reason."
I smirked
" Isa lang naman gusto ko..."
Pinatong ko ang magkabilang siko ko sa lamesa at pinagsalikop ang mga daliri at saka pinatong ang baba ko doon.
" Bago pa niya magawa ang plano niya, patigilin mo na siya. I'm not doing this because I'm afraid of her... I'm doing this for her. Kaya ko siyang patahimikin bago pa niya magawa ang plano niya, pero ayukong mantsahan ang kamay ko ng maduming dugo niya."
Wala siyang naging reaksyon kaya sigurado akong hindi siya naniniwala sa akin. I sighed. Tinignan ko si Andy at naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin. Lumabas siya at pumasok ulit pero this time may kamasa na siyang dalawang lalaki na hawak ang isang lalaking bodyguard ni Mr. Monreles.
"What do you think you are doing?"
Bakas sa boses niyang kinakabahan na siya pero hindi pa sapat 'yon. Tumayo ako sabay nang pagtulak nong dalawang tauhan ni Andy don sa lalaki kaya napaluhod ito sa sahig. Kinasa ni Andy yung baril niya saka 'yon inabot sa akin.
"Mr. Monreles, hindi ako bobo para pumunta lang dito at takutin ka" sabi ko sabay baril don sa lalaki sa ulo nito. Hindi gumawa ng ingay ang pagputok dahil may silencer na nilagay si Andy sa baril.
Humandusay sa sahig yung lalaki sabay ng pagbaha ng dugo nito sa sahig. Humarap ako kay Mr. Monreles at ngayon ko nakita ang pamumutla sa mukha niya.
"Kaya kong gawin sa anak mo 'yan kahit kailan ko gusto." Hindi siya umimik pero kita ko ang panginginig ng katawan niya. "Pero syempre hindi naman ako cheap, alam kong hindi pa sapat ang buhay ng bodyguard at anak mo para gawin mo yung mga gusto ko"
Inabot ni Andy sa 'kin ang hawak niyang envelope. Binuksan ko 'yon at kinuha yung mga litratong nandoon at tinapon 'yon sa may lamesa. Nagkalat doon ang iba't ibang picture pero iisang mukha lamang. Kita ko ang paglaki ng mga mata niya at mas lalong nanginig ang mga kamay. Ngumisi ako nang tignan niya ako ng masama.
"Subukan mo lang galawin ang pamilya ko, magkakamatayan tayo" madiing sabi nito.
"Mr. Monreles, hindi ko gagalawin ang mahal mong asawa at ang napakaganda mong anak..." I smirked "Basta gawin mo lang ang gusto ko"
Tinukod ko ang kamay ko sa lamesa at nginitian siya.
" Semple lang naman ang pinapagawa ko. Wala kayong gagalawin sa mga taong nasa paligid ko, aalis kayo dito at wag ng bumalik pa."
Tinitigan niya ako ng masama na para bang pinapatay na ako nito sa isipan niya, habang ako naupo ulit sa silya habang naka-cross legs at cross arms. Bumuntong-hininga siya at pabagsak na naupo sa swivel chair niya.
"Do as you want" mahinahong sabi nito
"That's good" sabi ko at tumayo. "It's nice to talk to you Mr. Monreles. I hope na makapag-usap pa tayo ulit." Nakangiting sabi ko at inabot ang kamay ko sakaniya. Saglit niyang tinitigan 'yon bago niya 'yon tinanggap. "Then mauna na ako..."
Tatalikod na sana ako nang may biglang pumasok sa utak ko.
"By the way, kailangan mong kausapin ng maayos ang ANAK mo dahil baka sa katangahan niya, madamay ang totoong pamilya mo. Ikaw din, baka mahirapan kang hanapin ang mga parte ng katawan ng asawa at anak mo sa ilog o baka nga abo nalang ang makita mo. So good luck" sabi ko "Bye!"
Umalis na kami doon at habang naglalakad kami sa hallway ng bahay nila Mr. Monreles bigla namin nakasalubong si Mian at nagulat pa ako nang makita sila Kia at Roa.
"W-What the f*ck are you doing here?" Gulat na tanong ni Mian
"Hmm? I just talk to your Dad." Sabi ko at nag-cross arms. "You know what, he's so nice ang bilis niya kausap."
"Aisha, anong ginawa mo?" Tanong ni Kia na may gigil sa boses.
" Huh? Wala naman, nag-usap lang kami"
" Dad!"
Napatingin ako kay Mian na nagtatakbo sa hallway papunta sa office room ni Mr. Monreles.
" If I were you, hindi ako susunod" sabi ko kay Kia nang akmang susunod siya kay Mian.
" Anong ginawa mo?"
"Wala nga--"
Lahat sila napatingin sa dereksyon kung saan ang office ni Mr. Monreles dahil sa malakas na sigaw ni Mian. Mabilis na sumunod si Kia, napailing nalang ako at naglakad nalang palabas ng bahay nila.
"Okay lang bang hinayaan mong makita ni Kia 'yon? I mean, baka matakot siya sa 'yo at paalisin sa kanila"
"Kilala naman niya ako, saka if ever man na paalisin niya ako, it's okay. Gusto ko na nga bumalik ng Manila dahil nabo-bored na ako dito"
" You wanna hung out? I'm free tomorrow"
" Yeah sure" sabi ko "But for now, hatid mo muna ako. I'm tired"
" Okay"
Hinatid na ako ni Andy at hindi ko rin namalayan na nakatulog ako habang nasa byahe kami. Nagising nalang ako dahil ginising ako ni Andy.
" Mainit ka, are you okay?"
" Uh...hmm."
Kanina pa nga ako nakakaramdam ng panghihina pero hinayaan ko lang dahil akala ko mawawala din agad, pero mas lalo lang ako nanghina ngayon. Lumabas na nga ako ng kotse at nagtaka ako nang makitang bumaba din si Andy.
" Ihahatid na kita"
" Andy, ilang hakbang nalang ang lalakarin ko oh"
" But you're not feeling well, baka matumba ka"
" Andy--"
"I'll take care of her"
Napalingon ako sa may likuran nang marinig ang boses ni Kevin.
"Bakit ko naman ipagkakatiwala si Aisha sa 'yo?"
" At bakit ko hahayaan makapasok ang isang hindi ko naman kilala sa loob ng pamamahay namin?"
Kita at ramdam ko ang itim na aura sa kanilang dalawa. Anong problema ng dalawang 'to?
"Then don't! Aisha, let's go at my place" sabi ni Andy at hinawakan ang wrist ko at hihilahin sana pero bigla akong hinawakan ni Kevin sa kabilang wrist.
"She's not feeling well, kapag byenahe mo pa siya mas lalala lang ang sakit niya."
"Let go of her"
"No, let go of her--"
"Can you guys stop!" Inis na sabi ko at marahas na hinawi ang magkabilang kamay ko kaya pareho silang napabitaw sa akin. "I can take care of my self"
Tumingin ako kay Andy
"Umalis ka na, may gagawin ka pa di ba?"
"Pero Aisha..."
"Andy!" Madiing tawag ko sakaniya. Bumuntong hininga siya at tumango.
"Call me if you need my help"
Tumango lang ako sakaniya. Masama niyang tinignan si Kevin bago siya umikot papunta sa driver seat at pinaandar 'yon paalis. Bumuntong-hininga ako at saglit na tinitigan si Kevin tapos nilagpasan siya.
I'm tired!!!
BINABASA MO ANG
A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)
RomansaSi Aisha ay isang myembro ng isang sikat na mafia group. Ang summer ay isang ordinaryong araw pero para sakaniya, isa itong sumpa. Sumpa na magpapabago sa buhay niya, magpapagulo sa isip at puso niya. A summer that she will never forget... _________...