Kabanata 10

150 7 0
                                    

Mabilis kong pinatakbo ang motor hanggang sa may sumalubong sa amin na mga naka-motor, noong una akala ko mga kalaban pero nakahinga ako nang makilala ko ang mga suot nila. It's obviously him.

Dahil may dumating na na back up maayos na ang pagpapaandar ko hanggang sa makarating kami headquarters ni Andy. Pagdating namin doon may nakaabang na mga tauhan ni Andy na mag-a-assist sa amin. May stretcher na nakaabang doon at agad nilang pinahiga si Leana doon.

"Miss Aisha" tawag sa akin nong isang tauhan ni Andy na nag-aassist sa amin.  Nakatingin siya sa tagiliran ko kaya napatingin din ako doon.   "Maghahanda po ako ng kwarto para sainyo"

"I'm fine, asikasuhin niyo nalang si Leana"

"Pero miss Aisha kailangan niyo din po magamot"

Napalingon ako kay Kevin nang bigla niyang alisin ang kamay kong nakahawak sa tagiliran ko.

" I knew it" sabi niya  

" Aisha, you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kia.

" I'm fine, malayo sa bituka" sabi ko  "Pumasok na tayo sa loob"

"Prepare us a room"

"Kevin, hindi na kailangan"

"Aisha, nakinig ako sa 'yo kanina kaya ngayon makinig ka naman sa 'kin. Stop acting like you are some kind of monster na hindi nakakaramdam ng sakit."

Did he just repeat what I just said earlier? Napabuntong-hininga nalang ako at naglakad na pa-pasok sa loob ng headquarters. Inalalayan ako nong tauhan ni Andy hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Naupo ako sa gilid ng kama sabay hubad ng pang-taas ko. Nakita ko ang mabilis na pagtalikod nila Jhay, Rich at Bryan. Habang narinig ko lang na bumuntong-hininga si Kevin at saka tumalikod.

Naihanda na nong babae yung mga gagamitin niya at sisimulan na sana ang pag-gamot sa akin nang biglang may pumasok na babae.

"There you are!" Sabi nito.  "Lilith, kailangan ka ni boss"

"Huh? Ginagamot ko pa si miss Aisha"

Napatingin yung babae sa akin at kita ang gulat sa mga mata niya.

"Miss Aisha? Naku pasensya na po" sabi nito at yumuko.  "Sasabihin ko nalang kay boss"

"Hindi na" sabi ko  "Uhm...Lilith right?" Tumango lang si Lilith  "Pumunta ka na, mas kailangan ka ni Andy"

"Pero paano po kayo?"

"I can take care of myself"

" Magpapatawag po ako ng bagong nurse"

"Ako na bahala sakaniya"

Napatingin kaming lahat kay Kevin

"Who are you?" Kunot-noong tanong nong babae.

"Sige na, baka hinihintay na kayo ni Andy" sabi ko.

Nagdalawang isip pa si Lilith pero umalis din sila kalaunan.

"Hoy"

Napatingin sila sa akin pero kay Kevin ako nakatingin.

"Umpisahan mo na"

"Huh?"

"Sabi mo ikaw bahala sa 'kin"

Saglit niya ako tinitigan then bumuntong-hininga at lumapit sa akin.

"Labas na muna kami" Paalam ni Roa at tumango lang naman ako.

" Hoy is not my name" reklamo ni Kevin pero nginisihan ko lang siya.

" Anong gusto mong itawag ko sa 'yo? Babe? Baby? Love? Mahal o honey?" Pang-aasar ko at masama niya akong tinignan.

"Tsk!"

Naupo siya sa isang silya at inumpisahan na niya gamutin yung tama ko. Tinurukan niya muna ako ng anesthesia bago niya sinimulang hiwain yung sugat ko para makuha yung balang bumaon sa akin.

"Kev"

"What?"

"Be gentle"

"Hhm"

"Kev"

" Hmm?"

" It's hurt"

" Tiisin mo"

" Ughm..."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. Hindi ko siya pinansin kaya tinuloy niya lang ulit ang pag-gamot.

" K-Kev... I-It's... Ughhm... S-Shit! Ugh! K-Kev--"

Hindi ko natuloy ang pang-aasar ko nang bigla siyang tumayo at tinakpan ang bibig ko gamit ang palad niya. Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa kama at napangisi ako nang makitang napatitig siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa bibig ko at dahan-dahan'yon inalis. Masama niya akong tinignan at naupo na ulit sa silya.

"Ang init naman ng ulo mo" sabi ko at inayos na ulit ang pagkakaupo ko.  "Gusto mo palamigin natin yang ulo mo?" Nakangising sabi ko at tinignan siya sa baba.

"Stop it Aisha! It's not funny" inis na sabi niya.

"What?" Natatawang tanong ko   "Gusto lang naman kita ilibre ng ice cream"

"Tsk!"

"O gusto mo ako nalang ang kainin--"

"Aisha!"  Galit na tawag niya sa 'kin.

" Okay okay, relax. Nagbibiro lang e" nakangusong sabi ko. "Pero kung gusto mo, I'm available" sabi ko at kinindatan siya.

"Tsk!" Sabi niya at inirapan lang ako. Tinuloy na niya ulit ang pag-gamot sa sugat ko at pagtapos non tumayo na siya at inayos yung mga ginamit niya.

"Can you help me?" Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Malaki ka na"

"Pero hindi ko maangat ang braso ko. Sumasakit ang sugat ko"

"Akala ko ba hindi ka nasasaktan?"

"E 'di ba sabi mo itigil ko pagiging monster ko? Sinusunod ko lang naman ang utos mo"

Bumuntong-hininga siya at napangiti ako nang lumapit siya at kinuha yung damit ko. Dahan-dahan niya 'yon sinuot sa akin at nang ibababa na niya yung damit ko, pabagsak akong nahiga habang hawak siya sa isang balikat niya kaya kasama ko siyang bumagsak.  Mabilis niyang naitukod ang isang kamay niya habang ang isa ay hawak  ang left side ng bewang ko pang-alalay dahil andoon yung part kung saan ako may tama.

"What are you doing?" Inis na tanong niya at akmang babangon na siya pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at mas nilapit siya sa akin.  "Aisha--"

"Kuya tapos na ba kayo--"

Napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang nanlalaking mata nila Kia except Roa na nakangisi sa amin.

"What the--anong ginagawa niyo?!"  Gulat na tanong ni Kia. Umayos ng tayo si Kevin kaya umayos na din ako ng upo.

" Labas na muna ako" Paalam ni Kevin at lumabas na siya ng kwarto.

" Naka-istorbo ata tayo" sabi ni Rich

"Sabi sainyo" sabi naman ni Bryan

Napangiti ako at inayos na ang pagkakasuot nong damit ko.

"Miss Aisha"

Napatingin kami sa pinto at nakita si Lilith

"Pinapapunta po kayo ni boss sa  office niya"

"Ouhm... Susunod ako" sabi ko at tumayo na.  "Roa, ikaw na muna bahala kila Kia"

"Okay"

Lumabas na ako ng kwarto at sumunod na kay Lilith papunta sa office ni Andy. That guy! Hindi manlang ako hinayaan makapagpahinga.

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon