Kabanata 8

166 9 1
                                    

"Ma..."

"Diyan ka lang, kahit anong mangyari wag kang aalis"

Wala akong tigil sa pag-iyak habang sinasara ni mama ang pinto ng cabinet namin. Patuloy kong binibigkas ang pangalan ni mama hanggang sa may narinig akong malakas na putok sa labas. Napatakip ako ng tenga ko at pumikit. Maya-maya lang narinig ko ang padabog na pagbukas ng pinto at sa bibig ko naman ako napatakip para pigilan ang sariling gumawa ng kahit anong ingay. 

" Halughugin niyo lahat ng kwarto! Kunin ang mga mapapakinabangan!"

Mas hinigpitan ko ang pagtakip ng bibig ko nang biglang binubuksan ng kung sino ang pinto ng cabinet.

" Boss, naka-lock"

" Ibig sabihin may mahalagang bagay ang nandiyan. Sirain mo"

Please someone...

" Boss may parak!"

" P*tang*na! Tara na!"

" E pa'no 'to?"

" Balikan nalang natin"

Nang wala na ako marinig agad akong lumabas ng cabinet at lumabas ng kwarto pababa ng hagdan. Hindi pa ako nakakababa ng hagdan agad ko ng nakita ang nakahandusay na katawan ni mama sa sahig, naliligo sa sarili niyang dugo...

" Ma!!"

Napabalikwas ako ng higa dahil sa panaginip na 'yon. Hingal na hingal ako at naramdaman ko pagtulo ng luha ko sa mata.  Napatingin ako sa bimpo na biglang nahulog mula sa noo ko, medyo basa 'yon.

Sino naman maglalagay ng basang bimpo sa noo ko?

Napatingin ako sa may pinto nang biglang bumukas 'yon at pumasok si Kevin na may dalang tray na may laman na kung ano.

"What are you doing here?" Takang tanong ko sakaniya.

"Taking care of you" sabi niya at naglakad papunta sa gawi ko at nilagay yung tray sa side table.

"Huh?"

"Roa asked me to take care of you"

"Huh?"

Why would she do that? E wala namang pakialam sa 'kin 'yon.

"Pinagluto kita ng may sabaw, ubusin mo yung kanin at ulam at inumin mo 'tong gamot pagkatapos"  sabi niya at napatingin ako sa pagkain na dala niya. Isang cup siguro 'yon ng kanin at may isang mangkok na may lamang sabaw at isang hiwa ng isda. May baso din na may lamang tubig at sa gilid non may gamot na nagpangiwi sa 'kin.  "Kakain na din muna ako, balik nalang ako ulit ako mamaya"

Pagsabi niya non naglakad na siya palabas ng pinto pero bago pa siya makalabas ay lumingon ulit siya sa akin.

"Make sure to drink that medicine"

Why would I? It's not that I hate it because it's bitter, I just don't like it. No reason. Kaya hindi ko 'yon pinansin at kumain nalang nong dalang pagkain ni Kevin. Infairness ang sarap ng luto niya.  After ko kumain nilagay ko lang yung pinagkainan ko sa tray na nasa side table then nahiga na ulit. Masama parin pakiramdam ko.

" Are you done?"

Nag-scroll ako sa cellphone ko nang pumasok si Kevin at tinanong 'yon. Tumango lang ako without looking at him.

" Hindi mo ininom yung gamot?"

" Hindi"

" Bakit?"

" Dahil ayuko"

" Hindi ka gagaling kung hindi ka iinom ng gamot"

" Ilang beses na akong nagkasakit at gumaling ako kahit hindi ako umiinom ng gamot."

"At matagal bago ka gumaling"

Natigil ako sa pag-scroll at hindi nakasagot dahil totoo yung sinabi niya, laging umaabot ng isang linggo o minsan dalawang linggo bago ako gumaling hindi pa kasali ang ubo at sipon ko non.

"See? Hindi ka agad gumaling kasi hindi ka uminom ng gamot"

"At least gumaling"

"Anong klaseng palusot 'yan?"

" E ano ba kasi pakialam mo? Hindi naman ako lalabas para hindi kayo mahawa. Kaya ikaw lumabas ka na bago pa kita mahawaan"

Wala akong narinig na response sakaniya at tanging buntong-hininga lang niya at naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama kaya napatingin ako sakaniya. Kumunot ang noo ko nang makitang nilagay niya yung tablet sa natira kong tubig kanina at tinunaw 'yon doon. Nang matunaw 'yon bigla niyang ininom 'yon at humarap sa akin.

Tinukod niya yung isang kamay niya sa may gilid ko habang ang isa ay hinawak sa batok ko at dahil sa bilis ng pangyayari hindi agad ako nakapag-react nang bigla niya ako halikan sa labi ko. Naramdaman ko ang paglipat nong ininom niyang tubig sa bibig ko at ang pagtulo ng ilang patak ng tubig sa gilid ng labi ko. Wala akong choice kundi lunukin 'yon dahil matatapon lang 'yon sa kumot. Lasang-lasa ko yung lasa nong gamot.

Humiwalay siya sa 'kin at parang walang nangyari dahil tumalikod agad siya at kinuha ang isang tuyong bimpo at medyo natigilan ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko. After non yung labi naman niya yung pinunasan niya with his thumb. Tumayo siya at inayos yung mga nasa tray.

"Bago ka magpahinga magpalit ka muna ng damit na presko dahil siguradong pagpapawisan ka. And stop using cellphone, sasama lang lalo ang pakiramdam mo niyan." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.   "Kapag may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako"

Pagsabi niya non sinara na niya yung pinto at naiwan akong nakatulala. Hindi parin mag-proseso sa utak ko yung nangyari. What was just happen? Of course it's not a kiss, he just transfer the water on me with his mouth. 

Hindi ko nalang pinansin 'yon at ginawa nalang yung sinabi niya, hindi ko nga alam kung bakit sinusunod ko siya. Nagsuot lang ako ng puting sando at short shorts then after non nahiga na ulit. Hindi agad ako nakatulog dahil hindi mawala sa isip ko yung ginawa niya.

The f*ck is wrong with me?

Kinabukasan nagising ako ng maaga at medyo magaan na yung pakiramdam ko, medyo inuubo lang ako at sinisipon but I'm fine.  Pumunta akong kusina para uminom ng tubig, pagpasok ko naabutan ko si tita na nagluluto.

"Good morning iha, kumusta pakiramdam mo? Nasabi sa 'kin ni Kev na may sakit ka daw"

"Uh...okay na po ako tita" sabi ko at kumuha ng baso at kukuha sana ng tubig sa ref nang biglang may humablot sa baso ko. Pagtingin ko si Kevin.

"Bawal ka uminom ng malamig" walang reaksyon na sabi niya at dumeretso sa water dispenser at doon kumuha ng tubig at inabot sa 'kin. Wala sa sariling kinuha ko 'yon habang siya ay dumeretso sa mama niya.  "Ako na diyan ma"

"Ay naku wag na, magtimpla ka nalang ng kape at isabay mo na rin si Aisha"

"H-Hindi na tita, hindi po ako nagkakape sa umaga" sabi ko habang hinuhugasan yung baso sa lababo.

"E ano ba inaalmusal mo?"

"Wala po"

" Naku hindi puwede 'yon iha, dapat may laman ang sikmura mo tuwing umaga."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni tita at umiwas lang ng tingin. Binalik ko na yung baso sa lagayan at pagkaharap ko nagulat ako nang biglang nasa harap ko si Kevin, may kinukuha siya sa overhead cabinet. Bale nakaharang siyang sa 'kin. Nakatukod ang isang kamay niya sa isang gilid at ang isa ay ang ginamit niya pang-abot sa kung ano mang kukunin niya.

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon