Kabanata 11

147 8 0
                                    

Kakatapos lang namin mag-usap ni Andy, we just talk about Leana's condition. Okay naman na daw siya, pero wala pa din siyang malay.

"Aisha"

"Hmm?"

"Why don't you stay here? Mas safe ka dito"

"Andy, alam mo namang may misyon akong ginagawa"

"I know, nag-aalala lang naman ako sa 'yo"

"Seriously? Sa akin ka talaga nag-aalala? Parang hindi mo naman ako kilala"  sabi ko at tumayo na.  "Aalis na kami, ikaw na muna bahala kay Leana"

"Wait, aalis agad kayo?"

"Kailangan, baka nag-aalala na ang mga magulang ng mga kasama namin."

Hindi siya nagsalita at tumango lang.

"Thank you for helping us, see you"

Lumabas na ako at pumunta na sa kung nasaan sila Roa. Naabutan ko silang nagtipon-tipon sa labas ng headquarters at napatingin silang lahat sa akin nang mapansin nila ako.

"Aisha, kumusta? Ano balita? Okay lang ba si ate Leana?" Nag-aalalang tanong ni Kia

"Uwi muna tayo" sabi ko at nilagpasan na sila. Sumakay ako sa kotse at napasandal. Ngayon ko naramdaman ang pagod at yung kirot sa sugat ko na kanina ko pa pinipigilan. 

"...Stop acting like you are some kind of monster na hindi nakakaramdam ng sakit."

Ayaw ko lang naman maging mahina sa harap ng ibang tao...

Napamulat ako nang maramdamang may humawak sa noo ko.

"Bumalik ang lagnat mo"

I stared at him.

"Mag-stay ka na muna dito"

"No"

"Maaalalagaan ka ng maayos dito at mabilis kang gagaling" sabi niya.  "Sasabihan ko si Roa--"

Akma siyang lalabas ng kotse kaya pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang dulo ng tee shirt niya at bahagyang hinila 'yon. Napalingon siya pabalik sa akin.

"Ayuko dito"

"Aisha, wag matigas ang ulo mo okay?"

"Akala ko ikaw ang bahala sa akin?" Nanghihinang sabi ko.   "You're my nurse right?"

"What?"

"Take care of me..."

Mahigpit kong hinawakan ang tee shirt niya

"Please"

Pagkasabi ko non nawalan na ako ng malay. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari at nagising nalang ako na nasa kwarto na ako. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nilibot ang paningin sa buong kwarto. Nakita ko si Kevin sa isang sofa na nagta-type sa laptop niya. Pagbangon ko napaangat siya ng tingin sa akin.

"You finally awake" sabi niya at nilapag ang laptop sa sofa sabay tayo at tanggal ng radiation glasses niya at nilapag 'yon sa ibabaw ng laptop niya. Naglakad siya palapit sa akin at sumampa sa kama, nilapat niya ang palad niya sa noo ko at pinakiramdaman.  "Medyo bumaba na yung lagnat mo, pero kailangan mo parin uminom ng gamot."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin ko sakaniya. He looks hot with his wet and messy hair. He's also wearing a sando and a black pajama. Nang lumapit siya sa 'kin naamoy ko ang kung ano mang nilagay niya sa katawan niya. Hindi ko alam kung sabon ba 'yon o pabango. But it smell good.

"Here, eat this"

Napatingin ako sa tray na nilapag niya sa gilid ng kama. May laman itong isang bowl na sabaw then katabi nito ang isang basong tubig at yung gamot na pinainom niya sa akin kahapon.

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon