Kabanata 26

121 9 0
                                    

Nagtuloy nga ang kasiyahan namin, at pagdating ng five p.m pinagdiwang na namin ang kaarawan ni Kevin. Kinantahan namin siya, si Isabel ang may dala nong cake. Nang matapos namin siyang kantahan, hinipan na niya yung kandilang nakatusok sa cake.

"Happy birthday!" Bati ng lahat habang ako pumapalakpak lang.

"Happy birthday babe" bati ni Isabel at halos kapusin ako ng hininga nang bigla niyang halikan si Kevin sa labi niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Nagsimula na nga silang magbigay ng mga regalo nila habang ako nakatayo sa labas ng cottage kinukuhaan sila ng video. Wala naman kasi akong regalo sa kaniya. I don't even know what he want and what he likes.

"Thank you guys, hindi niyo naman kailangan magbigay" sabi ni Kevin

"Sus, pa-humble pa" natatawang sabi ni Jhay

"Next year, wedding gift naman matatanggap mo"

"Ayiee..."

Kanina ko pa kinakagat ang ibabang labi ko at naramdaman ko na din ang pagkirot nito. D*mn! Masaya sila kaya dapat masaya din ako!

"Ikaw Aisha, wala ka bang regalo kay Kevin?" Tanong ni Dien at nakita ko ang pagsiko ni Kia sakaniya.

"Bawi ako sa wedding niyo" sabi ko at para kong sinaksak yung sarili sa sinabi ko.

"Naku, bonggang gift 'yan" sabi ni Kia

"Pag nakahanap ako sugar daddy" biro ko at tumawa.

Ang hirap tumawa kapag pilit...

Kumain na nga kami at nagsimula na din silang mag-inuman. Andito lang ako sa tabing dagat, tinitignan ang buwan at pinapaginggan ang bawat hampas ng alon.

"Aisha"

Napalingon ako kay Roa

"You okay?" She asked

"Yeah"

I heard her sighed

"Aisha, do you still love him?"

Wala sa sariling napatingin ako sakaniya

"Alam kong may namagitan sainyong dalawa ni Kevin, at alam kong may nararamdaman ka sakaniya dati"

I sarcastically laughed

"Kung may namagitan man sa amin, it just a one night stand"

"Really?"

"Yeah"

"E ano yung mga tingin mo sakaniya kanina?"

Natigil ako sa sinabi niya

"Nakita ko kung paano mo siya iniiwasang tignan, kung paano ka ngumiti kapag kaharap mo siya at si Isabel. Nakita ko kung paano mamuo ang luha diyan sa mga mata mo, habang tinitignan mo silang naghaha--"

"Enough" I said

"Aisha, hindi mo 'ko maloloko. Kilala kita mula ulo hanggang paa--"

"Kung kilala mo 'ko, nakita mo na ba akong umiyak?"

"Yes! At nakikita ko 'yon ngayon!" Sigaw niya.  Mabuti nalang at malakas ang tunog ng speaker. "At dahil 'yon sakaniya, hindi ba?"

Hindi ako nakasagot sakaniya

"I've never seen you like that! Kaya naguguluhan ako sa 'yo. Kung wala kang nararamdaman sakaniya, bakit umiiyak ka ngayon?"

"Dahil nasasaktan ako!!" Umiiyak na sabi ko.  "Oo na! Sige na! I love him! Pero ano pa ba magagawa ko? Ano pa ba magagawa ng mga tanong mo na 'yan?!"

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon