Kabanata 12

134 9 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal na nakayakap siya sa 'kin. Hinayaan ko lang siya habang bahagyang hinahaplos ang likod niya.

"Kev" tawag niya sakin nang humiwalay siya "Thank you for staying"

Bahagya lang akong ngumiti sakaniya then tinuon ang pansin sa screen ng cellphone ko.

"Mukhang nagkaroon ng problema sa poste ng kuryente at bukas pa daw maaayos 'yon."

" H-Huh?"

Ibinaba ko ang cellphone at tumingin sa kaniya. Ang flashlight ng cellphone ko ang nagsisilbing ilaw namin kaya nakikita namin ang bawat kilos at reaksyon naming dalawa.

"I can stay here if you want"

"Can you?"

"Of course, sa sofa nalang ako matutulog"

"Hindi ba puwedeng dito sa kama?" Tanong niya na kinatigil ko. Pero naalala ko yung mga biro niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Okay okay, enough with the joke"

"I'm not joking" sabi niya  "Just tonight"

"Are you serious?"

She just nodded

Saglit ko siyang tinitigan then I sighed.

"Okay, just tonight"

Bumalik ako sa may sofa para kunin yung laptop ko saka bumalik sa may kama. Umusog siya para makahiga ako, nang makahiga na ako sa kama napansin kong nakatitig siya sa akin.

"Bakit?" Takang tanong ko

"Can I ask you a favor?"

Tinignan ko lang siya

"Puwede bang sa atin nalang yung nangyari ngayon?"

"Don't worry, wala akong pagsasabihan"

"Thank you"

"Hmm"

Nahiga na siya at binalot ng kumot ang katawan niya.

"Leana is fine, she's just unconscious"

Biglang sabi niya

" Hmm"

" Don't you have question about her?"

Umiling lang ako habang abala sa pagta-type sa laptop ko. Ini-edit ko kasi ang research namin dahil defense na namin bukas, hindi kasi ako nakapasok ngayon kailangan ko matapos 'to ngayon.  Maya-maya napansin ko na hindi siya mapakali sa kinahihigaan niya. Tinanggal niya ang kumot gamit ang paa niya.

"Hindi ka makatulog?" Tanong ko at napatingin naman siya sa akin.

"Mainit" sagot niya

"Gusto mo buksan natin ang bintana para kahit papa'no may hangin"

"Hindi na"

"Are you sure?"

Tumango lang siya kaya hinayaan ko nalang. Maya-maya lang din ay natapos ko na ang ginagawa ko kaya napagdesesyonan ko na matulog na, inaantok na rin ako. Pinatong ko ang laptop sa side table at pahiga na sana ulit ako nang marinig ko ang mahinang ungol ni Aisha. Napatingin ako sakaniya at nakitang parang binabangongot siya.

"Aisha" tawag ko sakaniya "Aisha, wake up" niyuyogyog ko ang braso niya para magising siya pero hindi pa rin siya magising.

"Mama..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"M-Ma..."

Nahiga ako at niyakap siya, pinaunan ko siya sa braso ko at bahagyang sinubsob ang mukha sa dibdib ko.  Ito yung ginagawa ko kay Kia noong bata pa siya kapag nananaginip siya ng masama. Bahagya kong hinahaplos ang likod niya at maya-maya lang ay naramdaman kong yumakap siya sa 'kin at mukhang kumalma na siya. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako.

A Not So Ordinary Summer (Gangster Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon