Chapter 1: AU, Angel University

21 4 10
                                    

Abby's POV:

'Don't let the darkness consume you...'

Humahangos akong napabalikwas ng bangon mula sa kama ko. Yung panaginip na yon nanaman.

Ilang beses na ba yon ngayong linggo?

"Abby?! Gising na para makapag almusal ka na!" Napalingon ako sa orasan na nakapatong sa bedside table ko dahil sa sigaw ni mama.

8:48 na pala ng umaga.

Dahan dahan akong bumangon mula sa kama ko at inayos na din ito bago nagtungo sa banyo para magsipilyo.

Hindi ko maiwasang mapatulala habang inaala ko yung napanaginipan ko. Sino ba namang hindi? Sobrang weird kasi nya na hindi ko maexplain. Tapos ilang araw nang pare-pareho yung panaginip ko.

Hindi ko nga alam kung panaginip pa ba yon o bangungot na eh. Meron kasing part na para akong may powers pero meron ding part na sobrang creepy nya.

Napatawa naman ako sa naisip ko.

Powers, ano ako bata?

Ang tanda tanda ko na para sa powers powers na yan. In fact, magcocollege na nga-

"Ohmygod! Anong araw na!?" Dali dali akong napatakbo sa cellphone ko saka ko tinignan yung date.

'March 7, Monday'

Waaaahhhh! Ngayong araw yung entrance exam ko!

Dali dali akong pumasok sa banyo at mabilisang naligo. Pagakatapos kong magbihis ay dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan.

"Ma!" Tumakbo ako sa kusina kung saan nandon si mama at kumuha ng isang piraso ng tinapay. "Bakit hindi nyo ako ginising agad!?"

Tinaasan nya naman ako ng kilay nang tumingin sya sakin, "Anong hindi? Ilang beses kitang sinigawan Abigail hah."

Bakit hindi ko sya narinig!? Ganon ba kalalim pagtulog ko?! Ohmygod, patay ako nito!

Dali dali akong lumabas habang subo subo yung tinapay na kinuha ko at sumakay sa motor ko. Mabilis ko itong pinaandar papunta sa eskwelahan na pag eenrolan ko.

Nang malapit na ako ay napansin kong nakasarado na yung gate, patay.

Ipinarada ko na yung motor malapit sa gate ng paaralan at tumatakbo akong lumapit sa guard, "Manong, pwede pa po ba akong pumasok?"

"Pasensya na miss, pero bawal po pumasok ang mga hindi estudyante or staff dito."

"Pero may entrance test po ako ngayon eh." Naluluha na ako, bakit kasi late ako nagising? Nakakainis naman oh!

"Ay naku, pasensya na pero kanina pa nagsisimula ang entrance test. Late ka na." Malumanay na sagot naman ni manong guard.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman na akong magagawa, kasalanan ko din naman at hindi ako nakapag alarm-

Wait, pagkakatanda ko nagalarm ako kagabi bago matulog.

Binunot ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko at tinignan yung alarm nito.

Tumunog? Bakit di ko narinig?

Ilang minuto ko ding tinitigan ang screen ng phone ko, iniisip kung paanong hindi ko man lang narinig yung alarm ko, nang biglang may lumitaw na notification dito. Napakunot ang noo ko bago ko ito binuksan.

Email? Baka isa nanaman to sa mga spam emails na kumakalat ngayon ah.

Papunta na ako sa motor ko nang muntik ko nang mabitawan ang phone ko noong makita ko ang nakasulat sa sender part ng email.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon