Abby's POV:
Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Natatawa kasi ako, ngayon ko lang nalaman na may ganong side pala si Damien. Sino ba naman kasi ang mag iisip na ang isang kagaya nyang laging seryoso ay may ganon kachildish na side.
"Tamo tong babaeng to, pangitingiti nalang."
Napatingin ako kay Rhea na nakabusangot na ngayon. Nandito kami sa mall sa labas ng school para magshopping. Hindi kasi sya nakapili ng dress na gusto nya kahapon kaya sinamahan ko sya ngayon.
"Wala ka pading napipiling damit?" Tanong ko sa kanya.
Nagpout naman sya na parang bata kaya napangiti nalang ako. Grabe, ang cute nya talaga. Sarap nya kurotin sa pisnge.
"Kasi naman! Madami akong designs na nagugustuhan pero walang kulay yellow!" Pagmamaktol nito na ikinangiti ko naman.
Napapapadyak pa ito kaya napapatingin tuloy samin yung ibang mga tao. Gusto nya daw kasi ay color yellow or gold ang maging gown nya. Pero sa mga nagugustuhan nyang designs ay wala yung kulay na gusto nya.
Ako naman ay marahan lang syang tinatawanan habang nagtitingin ng mga cosmetic products. Nawala kasi yung iba kong gamit dahil sa gera tapos yung iba ay nasira dahil kasama ang kwarto ko sa mga nasirang part ng dorm namin.
Habang naglalakad at nagtitingin tingin ay napansin akong isang store. Maliit lang sya pero nakuha agad ng isang dress yung atensyon ko.
"What if ayon ang kunin mo?"
Sabi ko sa kanya habang nakaturo doon sa isang dress na matingkad na dilaw ang kulay. Para nga syang kumikinang dahil nasisinagan sya bahagya ng araw na mas lalong nagpaganda ng kulay nito.
"Wahhhh! Ang ganda! Sabi ko na at tama na ikaw ang sinama ko eh." Malakas nyang sabi na ikinangiti ko. Nakukyutan kasi talaga ako kapag umaasta sya ng ganyan.
Napatawa pa ako nang mabilis nya akong hinila papasok sa tindahan. Isa pala yong fashion store since meron din akong nakitang ibang accessories. Habang nakikipagusap si Rhea sa clerk ng tindahan ay nagtingin muna ako ng ibang mga magugustuhan ko.
Make up kit nalang naman ang hinahanap ko since yon nalang ang kailangan ko. Kasama kasi sa nasira yung mga binili ko dati eh.
Habang nagtitingin ay hindi ko maiwasang hindi malula sa presyo ng mga bilihin dito. Although naexplain naman na sakin ni Jane dati pa na may allowance kami ay never ko namang chineck yon until yesterday. Umabot kasi ata ng mahigit tatlong daang libong piso ang pinamili namin kahapon. At individually lang yon. Ganon kamahal ang mga damit namin.
Masasabi ko namang sulit sila dahil magaganda naman pero hindi padin ako makaget over sa mahal nila. Tinawanan pa nga ako nung tatlo noong sinabi kong wala akong pera para pambili ng ganon kagagarang damit.
Matapos naming mamili ng ilan pang mga kakailanganin namin ay bumalik din agad kami ng dorm kung saan inabutan namin si Ron na tumatakbo papalabas. Paniguradong may kalokohan nanamang ginawa yon at pinagalitan sya ni Jane. Ganon naman sila lagi eh.
"Ano nangyari don kay Ron?"
Agad na napabuntong hininga si Jane dahil sa naging tanong ko. Nasa kusina sya at kumakain ng salad. Madalas yan ang minemeryenda nya, para daw mapanatiling maayos ang lagay ng katawan nya. Sobrang maalaga sa katawan ang isang ito. Minsan nga ay inaabutan ko pa syang nagtatraining sa bakuran eh.
"He snuck into my room for some reason. I don't even know how he did that." Naiiling na paliwanag nito sakin.
Sinasabi ko na nga ba at may kalokohang ginawa ang isang yon. Pero ano naman kaya ang ginawa nya don sa kwarto ni Jane?
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasiA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...