Ron's POV:
Ugh, shit. Walang hiya, ang sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong bumangon habang nakahawak sa likod ng ulo ko at nakapikit pa.
Nang idilat ko ang mga mata ko ay unang bumungad sa akin ang isang seldang gawa sa kahoy. Lupa lang din na may mga dahong tuyo ang hinihigaan ko. At para namang nasa loob ng kweba ang mga dingding dahil lubak lubak ang mga ito.
Nasaan na ba ako? Nakarinig ako ng mga yapak ng paa papalapit kaya napatingin ako sa labas. Merong dalawang tao na palakad lakad sa lugar. Nakasuot sila ng leather na bahag na damit. May hawak din silang mga sibat na gawa sa kahoy at bakal naman ang dulo.
Ano yan, mga taong gubat? Saka, bakit may mga tao dito sa loob ng Bermuda triangle? Wala naman akong alam na may mga isla dito ah. O baka naman naalis kami sa Bermuda Triangle dahil sa lakas nung bagyo?
"Ugh. What the fuck happened?"
Lumingon ako sa likod dahil sa nagsalita. At doon ko lang napansin na kasama ko pala sa loob ang the boys, namely Seb, F, at Ethan. Gising na din si F at gaya ng dati ay tahimik lang ito. Kaya nga hindi ko sya napansin eh.
"Mukhang nahuli tayo ng mga taong gubat." Sagot ko naman nang makitang nagising na din si Ethan. Ayokong magsalita kung itong dalawang pipe lang ang makakausap ko dahil hindi naman sila sasagot.
"Anong mga taong gubat ang sinasabi mo jan?"
Sa halip na sumagot ay itinuro ko lang ang labas ng selda. Habang sumisilip si Ethan ay sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko. At sa kung anong dahilan ay hindi ko yon magamit. Puta, bakit ayaw!?
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nakakulong dito nang dumating ang ilang mga kalalakihan at inilabas kami ng kulungan. Paglabas namin sa kweba ay bumungad samin ang mga bahay na nasa itaas ng mga puno. Merong mga tulay na nagdudugtong sa bawat lugar at mga hagdan naman para makapanik at makababa.
Dinala nila kami sa isang malaking bahay na nasa gitna ng bayan nila. Doon ay inabutan namin ang mga babae na may kausap na isang matandang lalake. Hula ko ay ito ang pinuno ng mga taong ito.
"Thank you for freeing our friends." Rinig kong sabi ni babes-este Jane.
"It is we who have to apologize. We thought you were outsiders. Haven't thought Nephilims will visit." Medyo pilit ang accent nya pero malinis naman ang English nya.
"Hindi naman po kami manggugulo lolo, may hinahanap lang po kami." Walanghiyang Rhea, hindi man lang nagdalawang isip na tawaging lolo itong kausap nya. Sabagay, matanda naman na sya eh.
"May we ask what you are looking for?" Tanong ni tanda samin, o mas tamang sabihin na kay Jane since tahimik lang ang karamihan sa amin.
"We're looking for a gate." Sagot naman ni Seb.
Nagulat kaming lahat nang bigla kaming tutukan ng sibat ng mga kawal na nakapaligid sa amin matapos sabihin ni Seb ang salitang 'gate'.
"Nephilim, you talking about the gate to the underworld. We will not allow you there. We are sorry." Malumanay pero puno ng diin at determinasyong sagot ni tanda. Mukhang desidido sya sa naging sagot nya at base sa mga sibat na nakatutok samin ngayon ay paniguradong ganon din ang iniisip ng iba pang nasa loob ng bahay na ito.
Magsasalita pa sana si Seb, na halatang hindi natutuwa, nang pigilan sya ni Jane.
"May we ask why?" Isa sa mga nagustuhan ko kay Jane ay ang tila ba laging kalmante nyang aura. Para bang walang bagay na makakabasag ng kalmado nyang pagiisip. Bukod sakin syempre.
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasyA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...