Chapter 5: Vision

5 3 0
                                    

Abby's POV:

"*******! What are you doing!?"

Namulat ang aking mga mata dahil sa malakas na boses ng isang lalake. Napakurap kurap pa ako dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Nang maging maayos ang paningin ko ay likod ng dalawang lalaking may pakpak ang unang bumungad sa akin. Hindi lang isang pares kundi tatlo, tatlong pares ng mga pakpak ang nasa likod ng dalawang lalake. Kulay puti ang mga ito at nagliliwanag.

Hindi, hindi lang ang kanilang pakpak ang nagliliwanag kundi ang buo nilang katawan.

Parang nagtatalo silang dalawa. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nababalot ito ng liwanag pero pareho silang may blonde na buhok. Ang pinagkaiba nga lang ay mahaba ang buhok nung sumigaw.

Nakasuot ang isa sa kanila ng ginintuang pang itaas na baluti ng sinaunang sundalo. Meron ding gintong espada na nakasabit sa bewang nya.

Samantalang ang isa naman ay nakasuot lang ng isang puting chiton. Yun bang parang suot ng mga sinaunang sibilisasyon ng tao lalong lalo na sa Greece? Ganon. Meron din syang kulay gintong belt na nagpapanatili ng kanyang kasuotan sa kanyang katawan.

Kitang kita din na sobrang yummy-este sobrang ganda ng pangangatawan nila. Naglalakihan ang mga muscles nila at mahahalata mo ito agad dahil nakalitaw ang mga braso nila na para bang kayang magbasag ng itlog sa sobrang tigas.

Pero ang pinaka nakakagulat sa lahat ay kung nasaan kami ngayon. Inilibot ko ang aking paningin pero wala akong ibang makita kundi asul at puti lang. Taliwas sa aura ng dalawang lalake na kasama ko ngayon ay sobrang kalmante ng lugar.

Wala lang maririnig na kahit anong ingay maliban sa kanila na nagtatalo. Malumanay din ang simoy ng hangin na marahang nililipad ang buhok ko maging nung sa lalakeng sumigaw.

Sa harap naman namin ay isang ginintuang tarangkahan. Meron itong mga anghel na disensyo, nakaluhod ang mga ito at tila sinasamba ang tronong nasa gitna na may araw sa bandang itaas ng sandalan nito.

(Ps: Ganto yung itsura ng trono na naka design don sa gate para lang mas may visual kayo😉)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Ps: Ganto yung itsura ng trono na naka design don sa gate para lang mas may visual kayo😉)

Nakakapagtaka nga lang dahil wala namang wall sa paligid nito pero may gate sila? Parang tanga lang.

"My family needs me, brother." Napalingon ulit ako sa dalawa nang may marinig akong pamilyar na boses

"Teka, ikaw yon! Ikaw yung boses na naririnig ko sa isip ko!"

Lumapit ako sa kanya at pumunta sa harapan nya pero ganon padin. Hindi ko makita ang mukha nya dahil parang nagliliwanag ito. Pero kitang kita ko kung paano dumaan ang sari saring emosyon sa kulay asul nyang mga mata.

"Father will not be happy about this. You know we are forbidden to have an affair with a mortal!" Pagalit na sabi ulit nung may espada.

Forbidden? Eh bakit may mga anak kayo ngayon? Alam kong mga anghel sila base na din sa puting mga pakpak nila. Kung bawal sila, bakit natayo yung university para sa mga anak nila? Ang gulo naman.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon