Chapter 20: War

0 0 0
                                    

Abby's POV:

Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Ilang oras mula ngayon, at dawn's first light, ay susugod kami sa university para makuha ulit ang lugar mula sa mga demons.

Hindi naman kasi pwedeng pabayaan namin sila. Baka kasi manggulo sila sa mga lugar kung saan may mga normal na tao.

"Ready?" Tanong sa akin ni Damien pagkalabas ko ng bahay.

"Honestly? Hindi." Pagtatapat ko, alam ko sa sarili ko na kinakabahan talaga ako at alam kong nakikita nya yon.

Napangisi sya sa sinabi ko sabay gulo ng buhok ko. Tamo to! Ang hirap kaya ayusin ng buhok ko!

Sinapak ko sya sa balikat saka tinignan ng masama. Pero tinawanan lang ako ng bwiset.

"Relax, I'm here. I won't let anything bad happen to you." Paniniguro nya.

Inirapan ko nalang sya. Para naman kasing walang problema itong isang ito eh.

"Besides, you're already more powerful than before."

Ako naman ang napangisi ngayon dahil sa sinabi nya. Totoo, mas malakas na ako kumpara noon. Mas may alam na ako tungkol sa kapangyarihan ko. Kung ano ito at kung paano ito gagamitin.

Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng camp. Doon sa may stone archway na puno ng runes na umiilaw. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa yan napapansin ng mga demons, eh halatang halata kaya.

"Students, stuffs, and people who have agreed to help us in this dilemma. I hope you are ready." Nakangising bungad sa amin ni Dean Grey. "Because this day will be bloody. We're faced with demons, who's numbers we know nothing of. And I will not lie to you, many of you will not survive." Great, sa halip na palakasin nya ang loob namin ay tinakot nya pa kami.

"But this I can assure you, this fight will end... In our Victory!" Itinaas nito ang isang gintong espada sa ere matapos magsalita.

"Yeah!"
"Sugod na agad!"
"Durugin natin sila!"

Napangiwi ako sa lakas ng sigawan ng mga taong nandidito ngayon. Hindi sila natakot. Mas mukha ngang tanggap na nila na ang ilan sa kanila ay mamamatay ngayon.

Malungkot man pero kailangan ang sakripisyong ito para mapanatiling ligtas ang mundo mula sa mga demonyo. Yon naman talaga ang totoong dahilan bakit pinatayo ang Angel University.

"To battle!"

Isa isang nagsilabas ang mga tao sa archway. Ito na, isa nanamang gera ang naghihintay sa amin. Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makita ko si Julian kasama ni Hector.

"Julian!" Lumingon ang bata sa akin at napansin ko agad na pula na ang mga mata nya. Pero wala akong makitang galit sa mga ito. Kontrolado nya ang sarili nya.

"Magiingat ka." Bilin ko sa kanya.

Tumango lang sya at lumabas na kasama si Hector. Nagaalala padin ako sa kanya. Ang gusto ko sana ay protektahan sya. Pero hindi umayon sakin ang panahon.
Ang plano kasi ay kami nila Jane, F, at Damien ay papasok sa loob ng mismong university building para hanapin si Belphegor. Hindi namin kasama sila Ron at Anna dahil kailangan sila sa mismong battlefield samantalang nagpapagaling padin sila Rhea hanggang ngayon at si Ethan ang magbabantay sa camp.

Maiiwan kasi namin dito ang mga sugatan pa at hindi pa makakalaban. Pati na rin yung mga hindi piniling lumaban dahil sa takot.

Hindi ko sila masisisi, nakakatakot naman talaga. Pero kailangan naming lumaban dahil kung hindi, malaking pinsala ang gagawin ng mga demonyo sa mundo.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon