Chapter 28: Ghosts of the Past

3 0 0
                                    

Ron's POV:

Puta puta puta!

Sinasabi ko na nga ba't pahamak ang aabutan namin sa lugar na to eh.

"Shit!" Mabilis akong yumuko para maiwasan ang kuko ng isang gargoyle.

Isa itong uri ng demon na may katawang gawa sa bato. Madalas silang magpanggap na estatwa saka nila sasalakayin ang kanilang biktima kapag magisa na ito.

Sobrang titigas ng mga hinayupak na to kaya hindi ko sila mabasag gamit lang ang suntok ko. Bakit kasi hindi super strength ang naging kapangyarihan ni papa, kainis.

"In here!" Napatingin ako sa isang anghel sa gitna nitong impyernong lugar na ito. Nasa harap sya ng isang kweba at puno ng galos ang mukha pero sobrang ganda nya padin.

Sige Ron lumandi ka pa, ikamamatay mo talaga yan.

Bago pa ako lapain ng mga gargoyle dahil sa pagtitig ko sa mukha ni Jane ay hinatak na ako ni Ethan papasok sa kweba. Pagkapasok ko ay sya namang pagsira ni Seb sa taas ng kweba para matakpan yung butas non at hindi na makapasok yung mga gargoyle.

"This is hell alright." Hinihingal pang sabi ni Ethan. Actually, lahat kami ay hinihingal dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo.

"Let's rest for now before looking for another way out of this cave."

Gaya ng utos ni Jane ay nagpahinga muna kami. Tinignan ko isa isa ang mga kasama ko, lahat sila ay halata ang pagod sa mukha. Pero mas kapansin pansin si Hannah dahil parang hirap itong huminga. Hindi naman na yon nakakapagtaka dahil anak sya ng anghel ng buhay. Isang bagay na tila wala rito sa lugar na ito. Konektado sya sa buhay ng mundo, at ngayong nasa isang mundo kami ng gulo at kamatayan kaya ramdam nya din ito.

Mabuti nga at hindi pa sya hinihimatay eh. Pinoprotektahan kasi sya ng aura ni F kaya din hindi nakakatulong ang lalaking ito samin sa pakikipaglaban. Isa syang traydor, mas inuna nya pa talaga ang jowa nya kesa saming mga kaibigan nya. Taksil!

Pagdaan ng ilan pang minuto ay naglakad na ulit kami pailalim sa kweba. Hindi ko maiwasang maging balisa dahil kanina ko pa nararamdaman na parang may mali sa lugar na ito. Parang may kung anong pwersa ang unti unting bumabalot sakin.

Bigla akong kinabahan ng lingunin ko ang mga kasama ko. Shit, nasaan sila? Sinasabi ko na nga bang may mali sa lugar na to eh.

"Ron"

Isang malamig na hangin ang dumaan sa buong pagkatao ko matapos kong marinig ang boses na yon. Hindi, impossible.

Kilala ko ang boses na yon. Kilalang kilala. Dahan dahan akong lumingon sa likod at hinarap ang isang taong aakalain mong ako, girl version.

"Rachelle."

Anna's POV:

"Anne"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang muli kong marinig ang boses nya. Kanina ko pa ito naririnig at palakas ito ng palakas. Pagpasok palang namin dito sa kwebang ito ay alam ko nang may mali. Mas lalo akong nanghina.

Ilang minuto matapos naming mas lumalim pa sa kweba ay naririnig ko na ang boses nya. Boses ni mama. Alam kong peke lang ito pero hindi ko magawang labanan. Sobrang lakas ng kapangyarihang bumabalot sa kwebang ito.

"Anne, Anna. Anak ko. Tulungan mo ako." Mahinang pagtawag ng boses sa akin.

Muli ay ipinikit ko ang mga mata ko. Sinusubukan kong labanan ang pwersang bumabalot sa kweba pero mas nahihirapan ako dahil hinang hina na ako.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon