Chapter 22: Grand Ball

0 0 0
                                    

Abby's POV:

"Ano meron senyo ni Seb?"

Napatigil ako sa ginagawa kong pagaayos ng mga gamit ko nang pumasok si Rhea sa kwarto ko. Maayos na ang lagay nya ngayon at nakakagalaw-galaw na din.

"Anong ibig mong sabihin?" Patay malisya kong tanong sa kanya.

Although alam ko naman talaga ang sinasabi nya. Ilang araw ko na kasing hindi pinapansin si Sebastian simula noong gera. And that was a week ago. Hanggang ngayon kasi ay hindi maalis sa isip ko yung nakita ko.

"Hay naku Abby, ilang araw na kaya kayong hindi naguusap." Pairap na sagot naman ni Rhea.

Patalon syang naupo sa kama ko kaya napailing nalang ako. Bahagyang nagbago ang ugali ni Rhea matapos lumabas ang mga pakpak nya. Masayahin padin naman sya pero hindi na sya ganon kahyper. Although matinis padin ang boses nya at madalas sumigaw. Pansin ko din na halos hindi na sila mapaghiwalay ni Ethan.

"Busy lang talaga ako." Totoo din naman. Tumulong kasi ako sa pagrebuild ng mga nasirang building dito sa school. Dahil sa kapangyarihan ko ay naisipan kong mas mapapabilis pag tumulong ako.

"Kayo nga jan eh, hindi na kayo mapaghiwalay ni Ethan." Panunukso ko sa kanya at para na din ilihis ang topic namin.

Natawa ako nang makita kong bigla syang namula. Talagang may something na sa kanila. I mean, halata naman kasi.

"Kasi naman! Ayaw nya akong lubayan. Patay na patay sakin." Kunwari'y inis nitong sabi.

Tuluyan na akong napahagikhik dahil nagflip hair pa sya. Sira din talaga ang tuktok nito minsan. Akala mo talaga hindi nya nagugustohan yung ginagawa ni Ethan.

"Gusto mo naman eh." Halata naman kasing nagugustuhan nya yung mga pinapakita ni Ethan ngayon sa kanya eh.

Tumayo na ako since tapos na yung inaayos kong mga gamit. Nahiga ako sa tabi nya sa kama ko kaya napaikot sya ng upo para nakaharap sya sakin.

"Teka nga, bakit napunta sakin ang usapan?" Nakanguso pa nyang sabi. Ang cute nya talaga.

"Eh kasi po hindi naman totoo yang sinasabi mo. Wala kaming problema ni Sebastian." Pag tanggi ko kahit alam kong hindi talaga kami okay ni Seb.

"At kelan mo pa sya tinawag na Sebastian aber? Hindi ba Damien ang tawag mo sa kanya?" Taas kilay nyang tanong sakin na kinibit balikat ko lang naman.

"Last week pa." Pasimpleng sagot ko sa kanya.

"Eh bakit nga kasi?" Tanong nya ulit.

Hays. Ang kulit din talaga ng isang ito. Nagpatong pa sya ng unan sa hita nya at parang ready na ready sa mahabang usapan. Wala syang balak tumigil until magkwento ako.

"All students please proceed to the auditorium."

Sabay pa kaming napatingin sa maliit na speaker na nakalagay sa gilid ng kwarto ko nang bigla itong tumunog. In fact, lahat ng mga kwarto dito sa dorm ay meron nyan. Ginagamit nila yan para tawagin ang mga studyanteng kailangan ng faculty okaya naman ay magannounce.

"Ano kayang meron?" Takang tanong ni Rhea.

"Kahit ano pa yan wag lang gera. Please lang." Pabiro kong sabi pero ang totoo nyan ay natatakot talaga ako na baka magkaroon nanaman ng bagong gera.

Napahagikhik pa si Rhea dahil sa sinabi ko. Nakakasawa naman kasi ang gera. Madaming namamatay. Kamakailan lang ay inilibing namin ang mga namatay na staff and students dahil sa pag atake ng mga demons. Ayokong maranasan ulit yon.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon