Abby's POV:
Napabuntong hininga ako bago ko ulit tignan ang sarili ko sa salamin.
Suot ko na yung uniform ng AU. Isang long sleeve white blouse na mayroong sky blue outlines ang collar. Pinartneran ito ng isang sky blue na vest at sa ilalim nito ay ang royal blue na necktie. Sa upper left chest part naman ay makikita ang logo ng school na kulay gold at marble white.
Pilit ko namang ibinababa ang short skirt na kulay sky blue din. May outlines din ito na kulay gold.
Hindi ako sanay na nagsusuot ng mga super iksing damit. Mapa short man yan o skirt kaya medyo uncomfortable ako sa uniform na ito. Mabuti na nga lang at mahaba ang medyas na ibinigay nila sa akin kaya hindi masyadong kita ang hita ko.Don't get me wrong, hindi ako manang manamit. In fact gustong gusto ko nga yung mga dress na kuhang kuha yung curves ng katawan ko. Hindi lang talaga ako mahilig sa maikli ang suot ko para sa lower half ng katawan ko.
"Anak, nandito na yung sundo mo." Pagtawag sakin ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
Minsan ko pang tinignan ang itsura ko sa salamin at napangiti.
Bagay naman pala sya sakin. Lalo na dahil hinayaan ko lang na nakabagsak yung buhok ko.
Kinuha ko na yung mga bags na pinaglalagyan ng gamit ko bago bumaba.
Naabutan ko si mama na kausap ang isang lalaking pormal ang suot. Hindi mo aakalaing driver ito dahil gwapo sya at maganda ang hubog ng katawan nya. Bumabakat kasi yung muscles nya sa suot nyang suit.
"Magiingat ka don, Abby, hah. Wag ka masyado magpapasaway sa mga teachers and staff doon." Napalingon ako kay mama nang magsalita sya.
Kita ko yung pagaalala nya. Ito kasi ang unang beses na lalayo ako sa kanya.
Pero ako? Ito nakasimangot dahil sa huling sinabi nya. Kasi naman, hindi naman ako napatrouble sa school kahit minsan. Kahit na pa nga ba may nakakapagsabi na para daw akong tomboy kung umasta minsan.
Napabuntong hininga nalang ako, naiintindinhan ko naman kasi na nagaalala lang sya. "Opo, uuwi din naman po ako tuwing summer break eh. Kayo, dapat alagaan nyo din sarili nyo ah."
Medyo nalungkot na din ako. Wala kasi syang makakasama dito sa bahay. Medyo malayo kasi kami sa ibang mga bahay dito eh.
Ayoko din naman sanang lumayo. Pero ayon nga, nalate ako sa entrance examination ng kaisa isang college na malapit dito samin.
Hinalikan ko ang magkabilang pisnge ni mama bago ko sya niyakap ng mahigpit. Naghihintay na yung driver kaya kailangan ko nang magpaalam kay mama.
Nang makalabas na ako ay bumungad sakin ang isang sky blue na sasakyan. Hindi ko alam kung anong brand pero mukha syang mamahalin. Napansin ko din yung driver na nilalagay yung mga gamit ko sa likod ng sasakyan.
Pero ang totoong nakakuha ng atensyon ko ay ang isang lalakeng estudyante, nakasandal sya sa hood nung sasakyan habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib nya. Bakas din sa mukha nya ang pagkainip.
Alam kong estudyante din sya dahil nakasuot din sya ng uniform, na halos katulad lang ng akin. Ang pinagkaiba nga lang ay yung vest nya, may butones kasi ito sa harapan na iniwan nyang nakabukas.
Teka, di naman ako nainform na may makakasabay ako ah.
"Pardon me, Ma'am." Napalingon ako don sa driver nang magsalita ito bigla. "I was tasked by the principal to also locate mr. Ross here..." Lumingon sya don sa lalake na umikot na sa harap ng sasakyan at pumasok sa shotgun seat. "-hence, you will be travelling with him as well."
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasiA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...