Abby's POV:
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at ang unang tumambad sa akin ay ang kahoy na kisame. Nakabalik na ako.
Dahan dahan akong bumangon dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Hindi naman kasi ako kumain bago ko naisipang maglayas. Ewan ko ba, ang tanga ko din talaga minsan.
Lumabas ako ng kwarto at napangiti nang makita ang isang lalaking natutulog sa sofa habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nya.
Naupo ako sa silyang kaharap ng couch na hinihigaan nya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute nya din kahit papano matulog. Parang ang bait nya kasi.
Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Hinanap nya ako kahit madaling araw na. At niligtas nya nanaman ako.
Nang maisip kong iniligtas nya nanaman ako ay nagulat ako sa sarili ko. Hindi ko naisip na pabigat ako. Para bang napaka comfortable pa ng pakiramdam ko. In fact, parang natutuwa pa ako.
Ilang beses na ba akong iniligtas ng mokong na ito?
Pero ako din naman ang sumagot sa tanong ko sa sarili ko.
Enough to make you fall.
Huh? Anong fall? Saan ako nahulog? Ano ba to, nababaliw na ata ako.
"Done staring?"
Napaigtad pa ako nang bigla syang magsalita. Kinurap kurap ko ang mata ko at don ko lang napansing nakadilat na pala sya at nakangisi.
"Hindi pa, kaya matulog ka na ulit." Nakangiti ko namang sagot na mukhang ikinagulat nya dahil sa biglang pagkunot ng noo nya.
Kahit naman ako hindi ko inexpect na hindi ako nakakaramdam ng hiya na nahuli nya akong nakatitig sa kanya. Para bang okay lang since si Damien naman ang nakakita. Kasi pag iniisip ko na yung iba ang makakakita ay nahihiya kaagad ako.
Para bang mas naging comfortable at open ako sa kanya matapos ng nangyaring pagiyak ko sa kanya kahapon.
"Kumapal ata ang mukha mo?"
Pagkakataon ko naman para magulat. What was that!? Bakit ang hot nya magtagalog kahit na pa ininsulto nya ako!? Nababaliw ka na Abigail.
"Looks like I'm successful, you looked dumb."
Tinapunan ko sya ng matalim na tingin dahil sa sinabi nya. Sinadya pala ng mokong na magtagalog bigla.
"Che! Ewan ko sayo!" Pagmamaktol ko na ikinangisi lang ng loko.
Tumayo nalang ako at lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya. Kaasar, hindi ko talaga sya maisahan. One of these days makakaganti din ako sayo Damien.
"Abby?" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Ron na nakakunot ang noo.
"Wait... Galing ka ba sa...?" Tumingin sya sa pintuang nilabasan ko. Uh-oh.
"Holy Shit!" Lagpas langit ang ngisi nya nang sabihin nya yan.
"Hoy! Bago ka magisip ng kung ano ano jan magpapaliwang muna ako!" Pagpigil ko sa anumang maduming scenario ang nabubuo sa utak ni Ron.
Kainis, sa dami-dami ng pwedeng makakita sakin ito pa talagang may pinaka malaking sayad.
Inexplain ko nalang sa kanya ang mga nangyari pero parang alam naman na nya kasi nakangisi ang gago. Hindi ko tuloy maiwasang maramdaman na pinagloloko lang ako neto.
"Ah. Ganon ba? Bakit ka kasi naglayas? Sinundo ka pa tuloy ng knight in shining shimering armour mo." Nakangising sabi ni Ron habang tinataas baba nya ang dalawang kilay nya. Napairap nalang tuloy ako sa kalokohang ginagawa nya.
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasíaA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...