Ron's POV:
Hindi ko alam kung bakit mas pinili ni Sebastian na umalis sa halip na tulungan si Dean na labanan yung demon king. Sa tulong nya at ni F ay sigurado akong matatalo nila ito.
Pero mas nagtaka ako nang makita kong ganon din ang ginagawa ng mga myembro ng faculty at ng iba pang mga estudyante. Para bang pinagplanuhan na nilang hindi sila lalaban sa oras na yon.
Oo nga't madami ang mga normal na tao lang sa faculty namin pero ang mga Nephilims naman dito ay sadyang malalakas. Minsan kahit ang ilang mga Seraphims ay hindi sila natatalo. Syempre, iba kami sa kanila. Kayang kaya namin silang talunin.
"Nandito na tayo." Sabi ni Sir Troy na syang nangunguna sa amin sa ngayon.
Nasa harap kami ng isang stone archway. Yon lang. Literal na yon lang ang nandidito.
"Sure ka ba sir? Eh wala namang kahit na ano dito. 'Di kaya naligaw ka?"
Hindi naman sya sumagot sa tanong ko. Sa halip ay naglakad lang sya papasok sa archway. Napasipol nalang ako nang mawala syang bigla. Nice.
Ang dami padin talagang nakakamanghang bagay na 'di ko alam dito sa campus.
Isa isang sumunod ang mga myembro ng faculty at ang ilang mga estudyante. Sumunod na din ako dahil mahirap na at baka makita pa ako at masundan ng mga demonyo o nung mga baliw na cultists.
"Welcome. Buti naman at hindi kayo naligaw."
Napanganga ako sa nakikita ko. Hindi dahil merong isang parang village camp dito sa lugar kundi dahil dito sa matamis na nakangiting tao o nilalang sa harapan ko ngayon.
"Wait-. Dean!? Teka-. Anong-. Paanong-. Huh!?"
Kung alam ko lang kung sino yung nagsisigaw na yon ay malamang binatukan ko na. Wala syang natapos sa sinasabi nya.
"I will answer your questions next time. For now, find a place to rest. Feel free na magstay sa kahit aling kubo dito. Faculty, follow me."
Gaya ng sabi ni Dean, na somehow ay nauna pa samin kahit huling kita ko sa kanya ay para na syang bone porcupine sa daming nakabaong buto sa katawan nya kanina.
Si Dean talaga ang pinaka malaking misteryo sa buong mundo. Ilang taon na ako sa university pero hindi ko ata nakitang nagbago ang itsura nya. Oo nga't mabagal kaming tumanda pero kahit isang hibla ng buhok nito ay walang pagbabago.
Nakakagago din talaga sya lalo na at parang hindi sya namatay kanina lang doon sa university. Walang bakas ng kahit anong sugat sa kanyang katawan.
Habang naghahanap ako ng pwede kong pag pahingahan ay napadaan ako sa isang kubo na nakabukas ang pintuan. Mula dito ay nakikita ko si Jane na nakayuko. Nang silipin ko ito ay doon ko nalaman na tinitignan nito ang walang malay na si Ethan.
Kitang kita ko sa mukha nya ang lungkot at pagaalala. Para sa isang matalinong tao kagaya nya, sobrang tanga nya din kung minsan. Alam nya namang may gusto itong si Ethan kay Rhea pero eto sya at patuloy na nagmamahal sa lalaking kahit kelan ay hindi sya tinignan bilang isang babaeng higit pa sa kaibigan.
Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Who am I to say that? Ganon din naman ako eh.
Napapikit nalang ako at umalis na doon. Baka magalit lang ito sakin kung makikita nya ako doon.
Ephraim's POV:
Tahimik kong pinapanood ang isang babaeng pabalik balik ng lakad at walang tigil sa pag gamit ng kapangyarihan nito para pagalingin ang mga taong naroroon. Wala ring tigil ang paghingal nito at pagpatak ng pawis nito.
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasyA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...