Chapter 4: The Voice

7 3 0
                                    

Abby's POV:

Hays. Tatlong araw, ganyan na ako katagal dito sa university. Pero hanggang ngayon wala padin akong makita kahit isang clue man lang sa kung sino ang papa ko.

Bakit pa nga ba ako magtataka, eh wala naman akong ibang alam tungkol sa kanya bukod sa itsura nya. Ang problema ay marami sa mga high ranking angels ang may features na katulad ng kanya. Isa na dito ay si Michael na syang tatay ni Jane.

Nakuha nya nga daw ang features nito dahil dominant ang traits ng isang Archangel. Nakakapagtaka nga, kasi kung Archangel si papa, eh bakit hindi ko nakuha yung traits nya?

I asked her about it but she said that it is highly unlikely that I am not a child of an Archangel. Nahahawa na tuloy ako sa pag-e-english ni Jane. Madalas ko kasi sya nakakausap dahil sa kanya ako nagtatanong tungkol sa mga bagay na hindi ko maintindihan.

Ang sabi nya kasi ay tanging mga anak lang daw ng mga arkanghel ang nakatira dito sa dorm. Bale parang special treatment ito sa amin ng school dahil sa mataas na estado ng aming mga magulang. At nakikita nya daw ang taglay kong aura o liwanag, isa daw yon sa mga abilities nya.

Base daw sa liwanag na taglay ko ay isang mataas na anghel ang papa ko. Hindi ko din gets pero parang sure talaga sya sa sinasabi nya eh.

Sabi pa nga nya na baka dahil yon sa hindi pa lumalabas an totoong kapangyarihan ko. Pero hindi nya pa daw ito sigurado.

"Abby? Naka ayos ka na ba?" Tanong ng isang boses mula sa labas ng kwarto ko na tila hinehele ako tuwing naririnig ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumungad sa akin si Anna na nakangiti, kaya naman napangiti din ako. Nakakahawa talaga ang mga ngiti nya.

"Tayo na? Hinihintay na tayo ni F." Pag aya nya sakin habang nakangiti padin.

Nauna syang lumabas ng dorm sa akin at sumabay kay F na nauna nang naglakad papuntang campus. Nakasimangot naman ako habang minamasdan ko sila. Nararamdaman ko kasi yung spark sa pagitan nila. Yun bang kahit wala naman silang ginagawa ay feeling ko sobrang sweet nilang dalawa? Ewan, basta yon yung nararamdaman ko ngayon.

Kahit na pa sabihing hindi naman sila naguusap, halata namang nageenjoy sila sa presensya ng isa't isa. Kahit na pa sabihing wala namang pinagbago ang expresyon nitong ni F. Mukha ngang nakalimutan nilang kasabay nila ako, eh. Ginawa pa talaga akong third-wheel ng dalawang to.

Dumiretso na kami sa field, kung saan gaganapin ang practice namin. Dito samin ituturo kung pano mas effective na makontrol ang kapangyarihan namin. In my case, dito ko pagaaralan kung paano ko mapapalabas ang kapangyarihan ko.

"Good morning, Seraphims." Pagbati ng guro naming si sir Troy. Isa syang lalakeng nasa mid 30s na ang itsura pero sobrang fit padin ng katawan nya. Meron syang medyo makapal na itim na buhok at bluish silver na mga mata. Matangkad din sya, tingin ko nasa 6"3' ang height nya.

Sya din yung nagtuturo sa amin tungkol sa mga anghel na nagkaroon ng affair sa isang mortal. Pero once a week ay tuturuan nya kami kung pano kontrolin ang kapangyarihan namin. Kapag ganon daw ay Angelic Studies lang daw ang klase namin maghapon. Pagkayari nito ay pwede na daw kaming mag liwaliw okaya naman ay bumalik sa kanya kanya naming dorms.

Ang Seraphim naman ay ang pangalan ng klase namin. Ito ang top class sa buong school kung saan binubuo ito ng mga anak ng mga archangels at ang top 10 students sa buong university. Kaya nga hindi umaabot sa bente ang mga estudyante ng class na ito. Bibihira lang naman kasi ang mga anak ng mga archangels eh. Dahil nasa dose lang naman ang mga anghel sa ranggo na iyon.

The Scion of Light [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon