Abby's POV:
Damit for a few weeks? Check
Toothbrush? Check
Shampoo at sabon? Check
Pads? CheckMukhang okay naman na yung mga dadalhin ko. Nilagay ko na ang mga ito sa bag ko saka ko ito sinuot. Baka magtagal daw kasi ang mission namin ng ilang weeks dahil hindi padin kami sure sa exact location nung demon. Nagtatago daw kasi ito sa kagubatan kaya mahirap hanapin. Kaya eto, nagready na ako kung sakali man. Mahirap nang kulangin sa gamit baka ratratin ako sa sermon ni Damien.
Pagkalabas ko sa room ko ay bumungad sa akin ang isang nakasimangot na Damien. Nakasandal sya sa pader at bagot na bagot na nakatingin sa akin.
"Ah-haha. Kanina ka pa?" Medyo awkward na tanong ko.
"Tsk."
Base sa itsura nya ay mukhang kanina nya pa nga ako hinihintay. Nauna na syang lumabas sa dorm kaya sinundan ko sya. Baka kasi mas lalo nanamang uminit ang ulo nito.
"Why are you guys so tagal? Kanina pa us naghihintay here!" Ang maarteng boses ni Ericka agad ang unang bumungad sa akin paglabas ko palang ng dorm.
Napairap ako. Ito nanaman si babaeng clown. Kalahati lang sa mga sinasabi nya ang naiintindihan ko eh. God, ang dami ko nang nakilalang maarteng babae pero sa kanya lang ako nainis ng ganito.
"Siguro this is your fault nanaman 'noh?" Nakapamaywang pa ito nang lingunin nya ako.
Aba, at talagang ako pa tinarayan nya ah. Hindi ko nalang pinansin at baka panain ko pa yung mata nya.
"Let's move. We're already late." Utos naman saming lahat ni Damien.
Sumunod kami kay Damien papasok sa sasakyang gagamitin namin papuntang Pampanga. Don ako sa backseat pumwesto dahil nauna nang umupo si Ericka sa shotgun seat. Si Hiiro naman ang nagmamaneho at si Damien ang katabi ko dito sa likod.
Habang umaandar ang sasakyan ay hindi ko maiwasang mapahikab. Ang aga ko kasi nagising kahit na pa late na ako nakatulog dahil sa paghahanda ko sa mga dadalhin ko ngayong araw.
Unti unti ay napapapikit na ako. Hindi din nagtagal ay tuluyan na akong kinain ng antok. Pero bago yon ay may naramdaman akong kamay na marahang humila sa ulo ko pasandal sa isang matigas na bagay.
Ewan ko pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Kahit naman pala papaano ay may malasakit din itong lalaking ito eh.
***
"Hey. Wake up. We're here." Naalipungatan ako dahil sa boses na gumigising sa akin.
"Hmmm... Five minutes pa."
Istorbo naman neto. Kaaga-aga ginigising ako.
Teka, anong oras na ba? At bakit hindi ata ako sa kama ko nakahiga? At doon ko biglang naalala na wala nga pala ako sa dorm. Wait, nasa mission nga pala kami!
"Let's iwan nalang her here! We've been here for minutes dahil super lazy nya!"
Tuluyan na ngang nagising ang diwa ko dahil sa sigaw ni Ericka. Ikaw man ang sigawan ng babaeng yan, magigising ka talaga. Ang lakas nya kasi sumigaw tas ang tinis tinis pa ng boses nya.
"Will you shut the fuck up!? You're not fucking helping!"
Napangiti ako dahil sa ginawa ni Damien. Narinig ko pa yung pag singhap ni Ericka, dahil siguro sa pagkabigla sa ginawang pagsigaw ni Damien. Buti nga sa kanya.
Bumangon na ko at lumabas na din ng sasakyan. Baka kasi mabaling pa sakin yung init ng ulo ng lalaking pinaglihi ata sa takure eh. Ang bilis nya kasi mainis.
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasyA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...