Abby's POV:
Noong una kong nalaman ang tungkol sa powers powers na yan ay talaga namang naexcite ako. Nahilig din naman ako sa fantasy at one point sa buhay ko 'no.
Pero kung tatanungin nyo ako ngayon? Isa lang ang masasabi ko, at yon ay:
"Ayoko na!" Malakas kong sigaw habang patuloy na tumatakbo palayo sa isang pack ng mga galit at gutom na mga lobo.
Paano ako napunta sa puntong 'to? Nagsimula yan kahapon, sa demonology class namin.
Flashback:
"Seraphims, the principal has given you missions."
Yan ang unang bungad sa amin ni miss Solaria o miss Sol. Sya ang guro namin sa demonology, kung saan tinuturo nya kung paano effective na matatalo ang mga demonyo. Tinuturo din dito ang tamang pag exorcise ng isang demonyo na sumapi sa isang tao o ibang nilalang.
Ito ang unang pasok ko dito sa klase na to, yung una kasi sana ay noong nahimatay ako dahil don sa libro kaya hindi ako nakapasok. Excited pa naman sana akong malaman ang mga bagay bagay tungkol sa kanila pero eto at binibigyan kami ng mission.
"Mission? Anong mission?" Bulong ko kay Anna.
"Ang mga mission ay extra curricular activities na tanging sa Seraphim class lang binibigay. Masyado kasing delikado ang mga mission na ito. Ang kadalasan kasing pinapagawa ng university ay yung mga bagay na hindi kayang gawin ng ibang sektor ng gobyerno na namamahala sa mga kagaya natin." Seryoso nya namang sagot.
Ngayon ko lang nakitang seryoso ang mukha ni Anna. Kadalasan kasi ay nakangiti sya ng matamis. Yung para bang pag nanjan sya ay mawawala ang problema mo.
"He gave the class 3 missions, to be done by 4 members each. I will now assign you to your teams." Sabi ni ms. Sol sabay bukas ng hawak nyang folder.
"Team 1, your mission is in a hospital at Bulacan. It is rumoured that a lot of paranormal activities have been happening there. We suspect that a door has opened there. Your task is to find and close or destroy it." Pagpapaliwanag nya sabay sabi ng mga estudyanteng gagawa nong mission. Kasama don sila Ethan at Rhea.
A door, isa itong rift na paminsan minsan ay nagbubukas sa pagitan ng impyerno at mundo ng mga mortal. Kadalasan ay nabubuo ito sa lugar na may mga namumuong masamang enerhiya katulad ng mga ospital, morge, at sementeryo.
"Team 2, your mission is on Mountain Province, a mysterious village have been said to suddenly appeared in one of the mountains there. Your mission is to locate and investigate the place." Kasama naman sa mission na ito si Ron.
"Team 3, yours will be in a small forest in Pampanga. People have reported to have been found mutilated by some form of animal there. However, we believe that a demon is at large in that place. The team members are as follow: Sebastian, Ericka, Hiiro, and... Abigail."
Huh? Kasama ako?
"Teka lang po ma'am. Hindi ba parang delikado para kay Abigail na sumama kaagad sa isang mission? Baguhan palang sya." Tanong noong Hiiro ata.
"Yeah, isn't she, like, too mahina para makijoin sa'min? She's still baguhan kaya."
Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nung isang babae. Sya ata ang school clown dahil sa kapal ng make up nya. At ang arte nya magsalita ah. Nakakairita sya pakinggan.
BINABASA MO ANG
The Scion of Light [Completed]
FantasyA scion, a being of legend. Said to be able to dethrone those who rule the heavens. To save or destroy mankind. What would happen if one day you discover that you are special? That you hold a power that can decide the fate of the world. Such is the...